October 8, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — May namumuo na namang hidwaan ang Premier Volleyball League (PVL) at ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF).
Ito ay matapos hindi pirmahan ng paunuan ng PNVF ang International Transfer Certificates (ITCs) na siyang final clearance para makapaglaro ang mga imports sa 2025 PVL Reinforced Conference na nagsimula kahapon sa Ynares Center sa Montalban, Rizal.
Ang ITCs ay kailangan ng mga foreign athletes para makalaro sa mga local professional leagues sa ilalim ng FIVB regulations.
Ang PNVF ang nag-eendorso sa ITCs ng mga foreign athletes sa FIVB.
“The PVL regrets to inform the public that the foreign guest players will not be permitted to participate in the ongoing season-ending conference until their ITCs are duly approved,” ang official statement ng Sports Vision, ang PVL organizing body.
Pansamantalang pinatagal ni PVL committee chairman Sherwin Malonzo ang pagsisimula ng laro ng ZUS Coffee at Akari para hintayin ang pirma ng PNVF.
Ngunit hindi ito nangyari kaya kinausap ni Malonzo ang mga team officials ng Thnderbelles at Chargers para maglaro na wala sina American imports Anna DeBeer at Annie Mitchem, ayon sa pagkakasunod.
Tinalo ng ZUS Coffee ang Akari, 24-26, 25-23, 17-25, 26-24, 15-7.
Umiskor si Riza Nogales ng 15 points para sa ZUS Coffee.
