QF spot target ng Gilas vs Saudi Arabia

Chris Co — Pilipino Star Ngayon

August 11, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines —  Puntirya ng Gilas Pilipinas na masikwat ang tiket sa quarterfinals sa pagsagupa nito sa Saudi Arabia sa playoffs ng FIBA Asia Cup ngayong araw sa King Abdullah Sports Center sa Jeddah, Saudi Arabia.

Nakatakda ang bakbakan ng Gilas at Saudi sa alas-7 ng gabi (alas-12 ng hatinggabi sa Maynila).

Ang mananalo sa pagitan ng Gilas at Saudi ang uusad sa quarterfinals laban sa Australia na nauna nang umabante matapos manguna sa Group A.

Mataas ang moral ng Gilas matapos maitarak ang matikas na 66-57 pa­nalo laban sa Iraq noong Sabado na naging daan para makahirit ng tiket sa palyoffs.

Pukpukan ang laban sa first half ngunit nagpasabog ng solidong laro ang Pinoy cagers sa se­cond half sa pangunguna ni Dwight Ramos.

“For the most part we did that (control the game against Iraq). We believe this is the game we kind of envisioned to play little bit more,” ani Gilas head coach Tim Cone.

Maraming errors ang Gilas  sa kanilang mga laro sa group stage.

At umaasa si Cone na na masosolusyunan ito sa kanilang do-or-die game kontra sa Saudi.

“Batting every possession and every basket is crucial and important. That’s what we did and that’s what we expect from ourselves going forward,” ani Cone.

Babantayan ng Gilas sina Mohammed Alsuwailem at Muhammad-Ali Abdur-Rahkman na siyang nangunguna sa hanay ng Saudi Arabia.

Ang dalawang ito ang bumuhat sa Saudi para makuha ang 77-73 panalo laban sa Jordan.

Kaya naman kakayod ng husto sina naturalized player Justine Brownlee kasama sina AJ Edu at June Mar Fajardo para sa Gilas.

Nagpasalamat naman si Cone sa solidong suporta ng mga Pinoy fans na dumagsa sa venue para panoorin ang kanilang tropa.

QF spot target ng Gilas vs Saudi Arabia

(Chris Co)