Pilipino Star Ngayon
October 14, 2025 | 12:00am
All out ang suporta ni Janine Gutierrez sa pelikulang Quezon starring Jericho Rosales na mag-uumpisang mapanood sa mga sinehan bukas, Wednesday.
Nang makausap si Janine ng entertainment media bago nag-umpisa ang red carpet premiere ay panay na kaagad ang pagko-congratulate nito sa karelasyon.
“Well of course, congratulations in advance sa buong cast ng Quezon. Sobrang laki ng cast. Of course, congrats to Echo and sa lahat ng bumubuo ng TBA. And I’m just really, really excited to watch it. Narinig ko na ‘yung mga nakapanood na, sobrang ganda na reviews. So excited ako. Sana lahat tayo talagang sabay-sabay na tutukan ang Quezon,” chika ni Janine.
Habang ang actor naman ay todo ang pasasalamat.
“Di ‘po kami lahat makakapagsalita ngayon pero ang sasabihin ko lang ay kaming lahat ay punung-puno ng pagpapasalamat, punong-puno ng excite-ment, punong-puno ng kaba at syempre punong-puno po kami ng hiling na ang pelikula namin ay tangkilikin ng buong Pilipinas.
“Lahat ng Pilipino mula rito hanggang sa buong mundo dahil may screenings din po tayo sa buong mundo. Pupunta po kami sa buong mundo. But we want to thank everyone who helped us, the actors. I’m going to speak for the actors. Thank you to the historians. Thank you to everyone who wrote books. Thank you to everyone who wrote everything that we needed. Everyone that supported us and helped us, even the acting teachers, the acting coaches, and the ones before us that came. And to the press, and to the people who supported us, the students who supported us. Maraming, maraming, maraming salamat,” sabi ni Echo bago nag-umpisa ang red carpet / press screening.
Anyway, hindi na nakakagulat ang mahusay na acting nila Jericho sa pelikulang Quezon.
Aside from Jericho, tampok din sa pelikula sina Mon Confiado, at Romnick Sarmenta, na muling pinatunayan ang kanilang kahusayan sa pagganap ng mga makulay na karakter mula sa kasaysayan ng Pilipinas.
Pero kinabiliban din ng mga dumalo sa premiere night si Therese Malvar, na binigyang buhay ang karakter bilang Nadia Hernnándo, ang inaanak ni Ma-nuel L. Quezon (Jericho Rosales).
Naipakita niya ang tamang emosyon sa malalim koneksyon kay Quezon, na may malaking papel sa kanyang matagumpay na politicial career.
Sa pamamagitan ng kanyang talento at kaalaman sa sining ng pelikula, naging susi si Nadia upang mapalakas ang imahe at posisyon ni Quezon sa publiko, gamit ang pelikula bilang instrumento sa kanyang kampanya.
Ipinakita rin ng karakter ng young actress ang mas “totoong” aspeto ng buhay ni Quezon, hindi lamang bilang isang politiko, kundi pati na rin sa ka-nyang buhay sa labas ng politika, na nagbigay sa mga manonood ng mas malalim na pang-unawa tungkol sa mga tagumpay at kabiguan ng dating Pangulo.
Hindi na bago si Therese Malvar sa industriya.
Bagamat ang pelikulang Quezon ay pagtalakay sa isang mahalagang bahagi ng ating kasaysayan, hindi maikakaila na ang mensahe nito ay may malalim na koneksyon sa mga kaganapan sa kasalukuyan.
Sa harap ng patuloy na pagbabago sa ating politika at lipunan, ang pelikula ay nagsilbing paalala na ang pag-unawa at pagpapahalaga sa ating nakaraan ay mahalaga upang magabayan tayo sa mga tamang desisyon sa hinaharap.
Sa isang panahon ng mga isyung politikal at pambansang hamon, mahalaga rin na ang bawat isa sa atin, mula sa kabataan hanggang sa matatanda, ay magkaroon ng malalim na kaalaman sa ating kasaysayan—hindi lamang bilang mga mamamayan, kundi bilang mga tagapagtaguyod ng tamang direksyon para sa bayan at kinabukasan.
Habang ang pelikula ay nagtatampok ng mga seryosong eksena na may kinalaman sa pamamahala ni Quezon, hindi nakaligtas sa mga manonood ang mga magaan at nakakatawang bahagi ng pelikula. Isa na rito ang mga dialogue ni Jericho Rosales bilang Pangulong Quezon, na nakapagbigay aliw sa mga nanonood.
Ang pagkakaroon ng mga ganitong elemento ay nagdagdag sa dinamismo ng pelikula, at pinanatili ang balanseng pagsasama ng edukasyon at enter-tainment.
Mula sa mga karakter, dialogue, kasuotan, at setting ng pelikula, ang pelikulang Quezon ay hindi lamang pagpapakita ng kasaysayan, kundi isang obra na nagbibigay ng mahahalagang kaalaman sa mga manonood.
Ang bawat detalye ng pelikula—mula sa mga matitinding eksena hanggang sa mga magaan na bahagi—ay nagbigay-diin sa mga kontribusyon at sakri-pisyo ni Pangulong Manuel L. Quezon sa ating bansa.
Bukod sa pagninilay sa nakaraan, ang pelikulang ito ay isang pagbabalik-tanaw sa ating mga ugat bilang mga Pilipino.
