October 23, 2025 | 12:00am
Kahapon nagbukas sa mga sinehan ang mga bagong pelikula, pero tuloy pa rin at nadagdagan pa nga ng sinehan ang pelikulang Quezon ni Jericho Rosales.
Ang huling inilabas nila sa social media ay umabot na raw ito sa 300 cinemas nationwide.
Meron pa silang special screening sa Metropolitan Theater kahapon, at may naka-schedule pang Q&A Session sa cast at filmmakers sa Power Plant ngayong gabi.
Kailangan nila ang tuluy-tuloy na promo dahil hindi naman talaga ito pumalo nang husto sa takilya.
Ayon sa ilang napagtanungan namin, naka-P30 million lang daw ito nung weekend.
Hindi pa masasabi kung lalakas pa ito.
Hindi kagaya ng Heneral Luna na talagang may word of mouth, kaya lalo pang lumakas.
May ilang paaralang oblige na manood ang mga estudyante.
Ipakita lang ang kanilang ID, P250 lang ang presyo ng ticket.
Kahapon ay nagbukas na ang mga bagong pelikula, pero limited cinemas pa rin ang iba. Mas binibigyan ng sinehan ang Quezon.
Nagbukas na ang Everyone Knows Every Juan na dinirek ni Alessandra de Rossi, at ang sexy stage play na ginawang pelikula, itong Walong Libong Piso. May kasabay pang foreign films.
Bukod pa riyan, nagsimula na rin ang CineSilip Film Festival ng VMX, at pitong erotic films ang ipalalabas.
Tingnan natin kung tatangkilikin itong sexy films na pang-R-18 at ang iba ay na-X pa.
Fake penis, malakas ang bentahan
Napag-usapan na rin lang ang sexy films, ang benta ng plaster at prosthetics na penis na ginagamit ng mga aktor na pinaghuhubad.
May mga eksenang kailangan ng frontal nudity, pero hindi naman totoong ari ang ipinapakita. Naglalagay lang ng prosthetics o fake na penis at siyempre malaki na.
Kuwento ng isang direktor na nagdidirek ng ilang pelikulang pang-VMX, may isang aktor daw na kilala naman ng mga kabadingan na willing daw mag-frontal nudity.
Kahit wala na raw plaster o fake na penis.
Pero nung naghubad na, ang bilis ng suggestion ni direk na huwag na lang ipakita. Huwag na raw mag-frontal nudity.
Baka hindi pa raw makatulong kay aktor at madismaya lang ang mga kabadingang nagpapantasya sa kanya.
