Ahh iniintriga si Anne Curtis na ‘who wore it better’ sa suot nitong gown na inulan ng mga papuri sa ginanap na ABS-CBN Ball noong Biyernes ng gabi.
Nicole + Felicia gown daw ito na kulay pula na simple lang pero ang nagdala ay ang cape nito na puno ng rosas na design.
Nahanap ng ibang mahilig sa online shopping ang kaparehas nitong design. Ang pagkakaiba ay ‘yung design sa harap ng gown.
Kaya naman, ang say nila ‘who wore it better’ na naging running joke ng ibang social media users. Opkors, winner si Anne.
Ahh baka naman ‘yung nasa online ang nanggaya sa designer ng gown ni Anne?
Anyway, noong Biyernes ng gabi pa ang ABS-CBN Ball pero hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang mga sinuot ng mga dumalo ritong celebrity.
Ayaw ring tigilan ang diamond necklace ni Andrea Brillantes na worth P11-million na ipinahiram ng fashion icon na si Heart Evangelista.
Maaalalang may ilang bumatikos kay Heart na social media users matapos niyang ipasuot ang Serpenti necklace sa kanyang asong si Panda last year.
Na agad na ipinaliwanag ni Heart sa isang Instagram live session kung bakit suot ni Panda ang Bvlgari Serpenti Viper necklace, na tinatayang nagkakahalaga nga ng P11 million.
Ayon sa paliwanag ni Heart sa kanya ang nasabing necklace at pwede niyang gawin kung anong gusto niya. “I own the necklace you know, I can do whatever I want then pull it out. Basically, Panda owns the necklace, so hindi siya loan, she can do whatever she wants with it,” sabi niya sa isang Instagram live session.
Sabi pa niya si Panda ang kanyang “most spoiled baby girl.” “These aspins are rescue dogs, they deserve the world. I like to elevate their look, and why not? Siya naman ang totoong tagapagmana. Minana niya ‘yun so she can do whatever she wants, so I don’t understand what the deal is.”
Meaning daw, since naipamana na kay Panda ‘yun, sa kanya na nanghiram si Andrea?
Hahaha.
Grabe ang lala na talaga sa social media.
Bukas ang pahinang ito sa anumang paliwanag ng designer ni Anne.
