Regalario tumumbok sa Shanghai meet


Elech Dawa — Pilipino Star Ngayon

September 4, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Pinangunahan ng 20-anyos na billiards sensation na si Bernie Regalario ang tatlong Pinoy cue artists na nagwagi sa Round 2 kahapon sa Zen Custom Cue and Yuan 8 Open sa Yuan 8 Club sa Shanghai, China.

Nakasama ng 2025 World 9-ball championship semifinalist na si Regalario na humakbang sa Round 3 sina Marvin Asis, Michael Feliano at Henry Vergara matapos nilang ilampaso sina Nuoen Liu ng China, 9-1, Sun Peng ng host country, 9-6, at Lin Huang-Kuei ng Chinese Taipei, 9-4, ayon sa pagkakahilera.

Makakatumbukan nina Regalario at Asis sa Round 3 ng winner’s side ang da­lawang Taiwanese na sina Chia Chen Hsieh at Hui Chan Lu, kalaban ni Feliciano Chinese Taipei bet Wang Hung Hsiang at katapat ni Vergara si Lo Ho Sum ng Hong Kong.

Hahamigin ng nanalo ang $20,000, mapupunta sa runner-up ang $8,000, may $4,000 para sa dalawang semifinalists at $2,000 sa apat na quarterfinalists.