Grabe, pag talaga mabunga, maraming bumabato.
At parang ganito ang nangyayari sa lovelife ng sikat na actress at negosyante na nag-out na ng relasyon sa publiko kaya maraming happy sa recent chika.
Pero ‘yun nga, marami rin ang naiinggit at pikit-matang sinisiraan ang dalawa.
Awss, ang dami lang may crab mentality sa mga Pinoy.
Bawal na ba talagang maging happy ngayon?
A-list star at maganda pa rin ang career ng actress at galing naman sa disenteng pamilya ang lalaki, at kung tutuusin nasa tamang edad na para makahanap ng perfect partner for life, kaya hindi na dapat gawan ng negative issue.
We should be happy for others lalo na kung masaya naman sila sa status ng kanilang lovelife.
Pero take note, hindi porket magkarelasyon ay wedding bells na agad ang kasunod ha. One step at a time naman daw actually.
Basta ang importante hindi raw papaapekto ang aktres at karelasyon nitong negosyante sa negative forces na gustong wasakin ang kanilang relasyon.
Or baka naman inggit lang ang nararamdaman nung iba kaya gusto pang wasakin ang kanilang relasyon.