Relasyon nina Carlos Yulo at Chloe, humupa na ang kontrobersya


Parang humupa na ang kontrobersya sa relasyon nina Olympic medallist Carlos Yulo at girlfriend niyang si Chloe Anjeleigh San Jose na may bagong lunsad na debut extended play (EP) na Chloe Anjeleigh…For Real.

Actually, hindi na sila pinag-uusapan sa true lang.

Unlike nung kakapanalo ni Carlos na lagi siyang trending.

Lately, wiz na, dedma na ang mga tao.

Pero at least si Chloe, may mini album na umiikot ang tema ng pagiging authentic at pagmamahal na sumasalamin sa naging karanasan at perspektibo niya sa buhay.

Bukod sa unang singles niya na FR FR at Nonchalant, tampok din dito ang mga bagong awitin na Iyo, Something Right, Tanim, Dulo ng Bahaghari, at Shush na mula sa over-all production ng StarPop label head na si Roque “Rox” Santos.

Sa key track na Iyo, ibinahagi ni Chloe ang saya ng damdamin matapos matagpuan ang kanyang true love. Dedicated kaya ito kay Carlos?

Isinulat ito ni Trisha Denise at iprinodyus ni Roque “Rox” Santos.

Bago ilunsad ang kanyang debut EP, nagsimula si Chloe sa paggawa ng song covers sa social media.

Sa kasalukuyan, may halos 500,000 subscribers siya sa YouTube at mahigit 1.3 million followers sa TikTok.

Noong 2021, inilabas niya ang single na Aking Pagmamahal na umani ng mahigit 1.8 million streams sa Spotify at 30 million views sa YouTube.

Napapakinggan na ang Chloe Anjeleigh…For Real EP sa iba’t ibang streaming platforms.

Hanggang pagkanta lang kaya ang gagawin niya o aarte rin siya?