Rest in peace | Pilipino Star Ngayon


PRESS ROW — Abac Cordero — Pilipino Star Ngayon

September 17, 2025 | 12:00am

Biglaan ang pagpanaw ni Ricky Hatton, ang British boxing champion na lumaban kay Manny Pacquiao nung 2009.

Unexpected.

Ayon sa reports, rumesponde lang ang pulis sa isang tawag at dinatnan na nilang walang buhay si Hatton sa kanyang tahanan sa England.

Sabi ng pulis, nothing suspicious sa pagkamatay ng 46-year-old na si Hatton, meaning no forced entry or signs of foul play.

So malamang, natural causes ang ikinamatay ng dating light-welterweight at welterweight champion. Kung ano ang tunay na dahilan, dehins pa alam.

Agad natin tinawagan si Pacquiao matapos kumalat ang balita nung Linggo.

Sumagot naman si idol at nakipag-video call. Nasa Istanbul, Turkey pala si Pacquiao nagbabakasyon kasama si Jinkee.

Gaya ng karamihan, nagulat si Pacquiao at ang unang tanong eh “Ano kaya ang ikinamatay ni Hatton?”

Sixteen years ago na nung naglaban sila sa Las Vegas, isang big fight na nauwi sa sensational knockout win kay Pacquiao.

Anya, isa ito sa mga greatest fights niya. At mabilis niyang pinuri si Hatton. Sabi ni Pacquiao, malaki ang contributions ni Hatton sa boxing.

At hindi ito makakalimutan.

Nagulat lang si Pacquiao na bagama’t may history si Hatton ng mental issues matapos mag-retire sa boxing, ang alam niya eh kundisyon ito lately dahil gusto mag comeback gaya niya.

Sayang at dehins natuloy.

Ani pa ni Pacquiao bago natapos ang video call, “May he rest in peace.”