Parang ang lungkot na naman sa showbiz.
Pero hindi natin dapat pangunahan. Hintayin ang mga tamang taong magsalita at makiisa na lang tayo sa pagdadalamhati.
Kagaya nitong announcement ni Mr. Leo Katigbak na siyang nangangasiwa ng ABS-CBN Restoration Group.
Nakakalungkot ang announcement niyang hindi na itutuloy itong Sagip Pelikula program nila, na kung saan ay nakapag-restore sila ng mahigit 240 old Filipino films para mapanood natin ang mga classic film nang maayos.
Sa loob ng 14 years na pagtatrabaho ng naturang restoration group, nag-end na raw ito noong March 31 ng taong ito.
Bahagi ng statement ni Mr. Katigbak sa kanyang Facebook account, “ABS CBN Film Restoration had an amazing journey, some 240+ movies scanned, enhanced, restored and remastered, reintroduce to new audiences from as early as 1939. While that facet of the business is gone, many aspects of what we used to do will be handled by other ABS departments, including the SAGIP PELIKULA advocacy, jointly by Star Cinema and Cinemo beginning May 2025.”
Nakasaad sa statement na ‘yun na sinimulan nila ang restoration sa pelikulang Himala ni Nora Aunor at ang final bow nito ay sa pelikulang Tatlong Ina, Isang Anak ng namayapang National Artist for Film and Broadcast Arts.
Kaakibat nito ay ang magandang balita namang ibinahagi ng Film Development Council of the Philippines Chairman direk Joey Reyes.
Nabanggit na niya ito noon pa na naglaan ng budget ang administrasyong Marcos para sa restoration machine na ilalagay sa isang building na ipinagagawa nila sa Intramuros.
Inaasahang mid of this year ay okay na ito at magagamit na natin ang restoration ng FDCP para mapanood ng ating mga kabataan ang mga classic film na ipinagmamalaki natin. “In all objectivity, the government support is grabe. I mean, government is supporting the various projects… The government gave FDCP money to buy a restoration machine so that we can restore our films here.
“‘Di ba? And no other administration has done that!” saad ni direk Joey Reyes sa nakaraang media conference ng FDCP.
“Patapos na ‘yung film vault, e. Ang ganda-ganda! Ang ganda-ganda nung film vault. So ‘yun pa, ‘yung mga ‘Wow!’ Akala nila, ‘yung building na lilipatan namin, building ng FDCP.
“Inuuna namin ‘yung mga films ng mga National Artists,” sabi pa ni direk Joey Reyes.
Mga obra ni Carlo J., bubuhayin
Ang isa pang maganda ring ginagawa ngayon ng Viva at ng mga anak ni direk Carlo J. Caparas na sina Peach at CJ Caparas ay ang pagpapatuloy ng mga obra ng kilalang nobelista, director at film producer.
Ginawa nila ang Lumuhod Ka Sa Lupa na maganda naman ang resulta sa TV5. Ngayon ay isusunod nila ang Totoy Bato na magsisimula na sa Lunes, May 5, bago mag-Batang Quiapo.
Si Kiko Estrada pa rin ang bida rito, pero ang maganda lang dito ay bahagi na sa seryeng ito si CJ Caparas.
Sabi naman ni CJ, hindi naman daw kailangang kasali siya, nasa mga boss naman daw ‘yun kung dapat siyang isali.
“Nagkaroon ng opportunity, I took the opportunity kasi kay Daddy rin naman ‘to. And I believed, adding my name into the fold, kahit hindi naman ako sikat na celebrity o ano man, by just having that kind of… the name of… kasi CJ Caparas, Carlo J. Caparas, halos pareho kami ng initials. So I believed that adds more premium, that lends credence to the project na ‘uy mismong anak nga niya part,’ para literal na itinuloy ang dugo ng legacy niya,” saad ni CJ Caparas.
Ang isa pang anak nina direk Carlo J at Donna Villa na si Peach Caparas ang nag-aasikaso naman sa rights ng mga obra ng kanilang ama. Siya ang nakikipag-usap sa Viva para maayos itong pag-remake ng ilang obra ni direk Carlo J.
Taong 2018, 2019 pa namin ito nailatag kasama si Carlo J. Caparas talaga at saka si boss Vic po and the entire Viva.
Sabi naman ni CJ, tamang-tama itong pagsisimula ng Totoy Bato sa May 5 dahil ito rin ang buwan ng first death anniversary ng kanilang ama.