Richard at Barbie, kanya-kanyang rampa sa London


Nasa London sa kasalukuyan sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial base sa kani-kanilang posts sa Instagram.

Kaya ang opinyon ng kanyang followers, magkasama ang rumored couple na nagbabakasyon.

Nag-post nga si Barbie sa Instagram ng mga kuha niya sa Notting Hill, na paboritong puntahan ng mga turista sa London.

“Surreal.. but nice,” aniya sa post niya ng mga libro sa Notting Hill Bookshop, flower shop at sa fruit stand.

Solo lang siya sa mga larawang naka-post.

Ganundin si Richard na solo rin lang sa kanyang post habang nasa Wembley Stadium para sa concert ng bandang Oasis.

“Oasis at Wembley Stadium was one for the books.”

Sumagot pa si Daniel Padilla ng “BIBLICAL” sa nasabing post ng kasamahan sa Incognito.

Pero may kuha siyang naglalakad sa Stadium na dalawa ang dalang drinks.

Pero may isang netizen na may souvenir photo kina Richard at Barbie habang nasa airport.

Happy naman ang kanilang followers.

Wala nga namang masama kung nasa bakasyon sila.