MANILA, Philippines — Hindi umubra sina Alas Pilipinas standouts Sisi Rondina at Bernadeth Pons sa tambalan nina Beata Vaida at Francesca Ioana Alupei ng Romania, 21-18, 19-21, 12-15, sa quarterfinals ng Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali sa City of Santa Rosa, Laguna.
Ito ang unang beach volleyball tournament nina Rondina at Pons matapos maglaro sa indoor competition sa nakaraang dalawang taon.
Nakatakdang sumabak sina Rondina at Pons sa Southeast Asian Games sa Thailand sa Disyembre.
Samantala, bigo rin sa quarterfinals sina Pinay spikers Khylem Progella at Sofia Pagara laban kina Shaunna Polley at Olivia MacDonald ng New Zealand, 17-21, 14-21, sa torneong inorgansia ng Philippine National Volleyball Federation sa pamumuno ni Ramon “Tats” Suzara na siya ring pangulo ng AVC at Executive Vice President ng FIVB.
Isang 17-21, 15-21 kabiguan din ang nalasap nina Pinoy hitters James Buytrago at Rancel Varga kontra kina ylon Elazar at Kevin Cuzmiciov ng Israel.
