Rondina-Pons pair hahataw sa Pro Tour


Pilipino Star Ngayon

October 11, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Babanderahan nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons ang tatlo pang local pairs sa paghataw sa Vol­ley­ball World 2025 Beach Pro Tour Challenge sa Oktubre 15 hanggang 19 sa Nuvali Sands Court by the Ayala Land sa City of Santa Rosa sa Laguna.

Makakasama ng Ron­dina-Pons tandem sa event na inorganisa ng FIVB sa pamamagitan ng Volleyball World sina Jenny Gaviola at Alexa Polidario, Sunny Villapando at Dij Rodriguez at Kly Orillaneda at Gen Eslapor.

Kabilang sila sa kabu­uang 111 pairs sa torneong pi­namamahalaan ng Philippine National Volleyball Fe­deration l(PNVF) sa pa­mu­muno ni Ramon “Tats” Su­zara na galing sa ma­ta­gumpay na hosting ng 2025 FIVB Men’s Volleyball World Championship no­ong Setyembre.

“After the world cham­pionship hosting, here we are again at the Beach Volley Pro Tour,” ani Suzara.