Rufa Mae, ayaw makipagdiborsyo sa asawa


Kahit nagkahiwalay na ay legal pa ring mag-asawa sina Rufa Mae Quinto at Trevor Magallanes dahil walang planong maghain ng diborsyo ang aktres.

Matatandaang nagpakasal sina Rufa Mae at Trevor noong 2016 at napabalitang nagkahiwalay na noong isang taon. “Move one muna pero we respect each other. May araw pa rin na nalulungkot. Siyempre mahal ko, asawa ko ‘yon eh. Hanggang ngayon naman asawa ko pa rin naman siya eh. Kaya lang ayaw na rin niya, so ayaw ko na rin at ginagalang ko ‘yon. Kasi mas kadiri naman kung ayaw ko pang tumigil, ‘di ba? Nine years din naman, nilaban din naman namin,” nakangiting pahayag sa amin ni Rufa Mae sa Fast Talk with Boy Abunda.

Maayos umano ang turingan ngayon ng mag-asawa para sa kanilang anak na si Athena.

Walong taong gulang na ang supling nina Rufa Mae at Trevor. “Siguro gusto lang namin nang magkaiba. Maraming dahilan na hindi na rin namin alam. Basta mas masaya kami siguro nang ganito. Sinasabi ko sa kanya na, ‘Your dad will always be your dad kahit anong mangyari.’ Tapos kinausap ko na lang siya. Siyempre may pinagdaanan din si Athena, na-depress din siya and everything, pero lagi kong sinasabi na tomorrow is another day. ‘Tatay mo ‘yan, hindi naman mapapalitan, ‘di ba? ‘Yan ang daddy mo habambuhay. Mahal na mahal ka ng daddy mo. Kaya kung hindi siya ngayon available or gusto niyang mag-rest or away, space, eh, okay ‘yon. Wait lang tayo,” natatawang kwento ng aktres.

Malaki ang pasasalamat ni Rufa Mae dahil sa pagkakaroon ng mabait at matalinong anak. “Matalino, ang bait-bait niya. Hindi niya ako pinahirapan. Malayang-malaya ako, ‘yon din naman ang pinoproblema ko dati eh, siya. Kaya din ako masaya, I’m always smiling, ano daw ang ginawa ko. Kasi you deserve to know who I am. You’re a princess dito. Kasi hindi niya alam eh. Sabi niya, ‘Mama, why everybody likes you? You’re famous pala.’ Sabi ko, ‘anak, kinalimutan ko lahat ‘yan. Naging normal ang buhay ko, hinayaan  ko ang magandang buhay ko. Pero dahil ito ang buhay ng mama mo, you have to see this. You have to know what I have.’ Hindi niya alam lahat ‘yon.’ Halimbawa we go to Bacolod, we have nice service, buffet, hotel, bakit hindi ako sasaya. Siyempre iba pa rin ang pamilya, I’m just sa­ying ‘yung isang part mo as Filipina, as Rufa Mae, as daughter ni Rufa Mae. Ito ang pamilya ko, ang kaibigan ko, makilala mo. Kaya nag-e-enjoy lang,” masayang paglalahad niya.

Nagpasyang manatili sa Pilipinas ni Rufa Mae kasama ang anak.

Ipagdiriwang ng aktres ang kanyang ika-47 kaarawan sa May 28. Mayroong hiling si Rufa Mae para sa lahat ng mga kababayang boboto sa eleksyon bukas. “Ito na lang, gusto ko sanang i-wish lahat na mag-enjoy tayo. Vote wisely, at the same time, vote happily. ‘Yung enjoy-in mo, kasi no’ng bata po ako, ang eleksyon ang saya-saya eh. Makikita mo sa mga school, may mga flyers, posters, may kung anu-anong ganap. Ngayon gano’n lang ulit. Sana mag-enjoy lang tayo. And siyempre good health guys. Go! Go! Go! Mabuhay ang Pilipinas,” pagtatapos ng ko­medyana. — Reports from JCC