Showbiz SanFo | Pilipino Star Ngayon


Kahit sa bakasyon abroad, hindi pa rin ako nakakaligtas sa pagsagap ng showbiz tsismis. (bilang certified marites naman ako!)

Tulad na lang ng chika ng isang source tungkol sa isang male tv host. (hello po koya!) Maganda ang image nito sa telebisyon. Wholesome na may pagka-komedyante ang projection.

Kaya naman nang maging pasahero sya sa isang international flight, na-excite ang mga pinoy na flight attendant. (ang mga ate ko!)

‘Yun lang, sa simula pa lang daw ay disappointed na sila dahil hindi raw namamansin si koya at naging presko habang kasama ang ilang babae.

Panay daw paandar nito at pagmamayabang. (may sapi ata!) Nung ilalagay na raw ng mga babae ang kanilang mga maleta sa overhead bin, bigla nalang daw sumigaw ang host ng: “Ipalagay n’yo mga ‘yan dyan sa mga ‘yan!” (sabay turo sa mga flight attendant. )

Naloka na lang ang mga stewardess sa pagmamando ng tv host. (parang among nang aapi ng yayey!) Clue: May regular tv show at may non showbiz girlfriend. (at mahilig kumain ha!)

Bilang nasimulan ng kashowbizan ang pagpunta ko sa San Francisco California, dumaan na rin ako sa ilang lugar sa Pacific Heights na naging tampok sa ilang sikat na Hollywood films. (bilang ‘yun ang neighborhood namin! Ang sowsyal ha!) First stop ay sa Lyon Street, Marina District kung saan nakatayo ang isang malaking mansion na ginawang Grove High School na eskwela ni Mia Thermopolis, played by Anne Hathaway sa 2001 film na The Princess Diaries. (hindi diary ni Princess Punzalan ha!)

Go rin ako sa Stenier Street kung saan makikita naman ang bahay sa isa paborito kong pelikula ni Ro-bin Williams na Mrs. Doubtfire na ipinalabas noong 1993. (hindi ng dalawang Mrs. Real ha!)

Habang pictorial kami, bigla pang dumating ang pamilyang nakatira sa pangmayamang bahay. (unless nagpapanggap lang silang residente ha!)

Bigla ko namang nadaanan ang headquarters sa 4th street, Townsend ng IHeart Radio.

Isa itong kumpanya ng mga sikat na radio stations at producer ng podcasts sa San Francisco at iba pang lugar sa California.

Nagandahan lang ako sa malaki nilang logo sa labas ng kanilang building kaya nagpapic ako.

Naalala ko lang na minsan sa buhay ko ay minahal ko ang radyo (sa loob ng 15 years ha!). Minahal din naman n’ya ako. (segue sa kantang Minsan lang kita Iibigin?!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com