Tama naman ang sinasabi nila ngayon na mas parang pinag-uusapan pa ‘yung mga Filipiniana ng mga dumalo sa 20th opening of Congress at SONA (State of the Nation Address) kesa sa totoong laman ng mga pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos.
Tulad na lang sa suot ni Heart Evangelista o ang pagdalo ni Pia Wurtzbach. Pero ang mga sinabi ni PBBM tungkol sa solusyon sa baha at ang mga pangako sa agriculture sector natin, hindi na pinagtutuunan ng oras ng mga netizen.
Anyway, isa pang binantayan sa SONA ay si Sofronio Vasquez III na personal na nakausap ni Pangulong Marcos sa katatapos na SONA. A capella ang version niya, walang musical accompaniment. Na aniya ang grabe ang kaba niya.
Iba raw kasi ang challenge sabi ng The Voice US sa interview ni MJ Felipe. “Kinausap nga ako ni President. Sabi niya, ‘Kinakabahan ka pa ba?’ Sabi ko, ‘Naku President, kung alam mo lang, muntik na kong hindi makalunok sa kaba,’” kwento ni Sofronio sa interview.
Ang Malacañang daw ang nagsabi na kantahin niya ang Lupang Hinirang nang a capella.
By the way, ang isang siguradong hindi kayang tapatan ni Pia kay Heart, siyempre si Sen. Chiz Escudero.
