Solong liderato pakay ng Rain or Shine laban sa Phoenix


John Bryan Ulanday — Pilipino Star Ngayon

November 5, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Walang planong kumurap ang Rain or Shine sa pit­pitang karera sa tuktok ka­hit pa kontra sa palabang Phoenix sa umiinit na PBA Season 50 Philippine Cup sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Magkikiskisan ang Elasto Painters (4-1) at Fuel Masters (1-4) sa main game ng double-header nga­yong alas 7:30 ng gabi pagkatapos ng salpukan ng mga kulelat na Titan Ultra Giant Risers (1-4) at Blackwater Bossing (1-3) sa alas-5:15 ng hapon.

Kasalo ngayon ng RoS sa liderato ang TNT Tropang 5G at Magnolia sa dik­dikang karera matapos mai­wan ang NLEX (4-2) at Converge (3-2).

Nakahabol naman sa bun­tot ang reigning champion na San Miguel Beer (3-2) sa kalagitnaan ng 12-team standings upang mag-unahan sa Top 4 na hahawak ng ‘twice-to-beat ‘ advantage sa quarterfinals.

Ito ang misyon ng mga bataan ni coach Yeng Guiao na nakasakay sa tat­long dikit na panalo pi­na­kabago ang 106-91 pagdaig sa Terrafirma Dyip.

“We cannot win close games every time. If we rely on breaks or we rely on getting lucky, there will be a day that luck won’t be on our side,” ani Guiao matapos ma­hirapan sa kulelat na Ter­rafirma.

Hindi agad naipagpag ng Elasto Painters ang Dyip sa nakaraan nilang laban at kinailangan pa ang bigating ratsada sa fourth quarter upang makaalpas.

Kontra sa Fuel Masters na gigil mawakasan ang tatlong sunod naman nitong kabiguan, hindi puwe­de ang puwede na para kay Guiao na mamanduhan si­na Adrian Nocum, Anton Asistio, Santi Santillan, Keith Datu, Jhonard Clarito at Andrei Caracut para ma­mu­no.

Para sa Phoenix na naiskor ang natatangi ni­tong panalo kontra sa San Miguel, 109-103, babande­ra sina Kai Ballungay, Jason Perkins, Tyler Tio, Ricci Rivero, Evan Nelle at Ken Tuffin matapos kapusin kontra sa lider na Magnolia, 83-80.