Sports Tourism | Pilipino Star Ngayon


PRESS ROW — Abac Cordero — Pilipino Star Ngayon

October 1, 2025 | 12:00am

Natapos na ang FIVB Volleyball Men’s World Championship nung Linggo sa MOA Arena.

Men’s. Pero tinao. Dehins lang pala women’s volleyball ang may following sa bansa.

Mahigit 16,000 ang dumalo sa final match ng Italy at Bulgaria. Maraming foreign fans. Mga turista at ‘yung based dito.

Champion ang Italy. Sa awarding, dumating pa ang members ng Alas Pilipinas at nag mini-concert ang Ben and Ben. Patok.

Natapos ang first hosting natin ng biggest event in volleyball habang nabatikos kung worth it ba na gumastos tayo ng P2 billion para mag host.

Sabi nga ni PSC chairman Pato Gregorio, iba ang benefits ng hosting ng major international event. Global audience. Global impact para sa sports tourism.

Parang hosting ng Miss Universe or FIBA World Basketball Championship or SEA Games. Malaki din ang gastos. Pero worth it kung sa tourism aspect mo titingnan.

Isa ang volleyball sa pinakasikat na sport sa mundo at mahigit 600 million ang global fan base. If diehard volleyball fan ka sa labas ng Pinas, siguradong nanood ka ng games for 16 days.

Tumutok ang mundo ng volleyball sa Pilipinas.

Naniniwala ako na hosting ng international sports events and best way to promote ang bansa natin.

Dehins ‘yung flood control.