Sue, naka-recover na sa torn ligaments!


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

October 16, 2025 | 12:00am

Pagbitiw sa kape, soft drinks at vaping nakatulong

Kitang-kita ang magandang epekto ng pagsuko sa kape, soft drinks, at vaping ni Sue Ramirez.

Maaalalang last July ay nag-post si Sue ng: “I just want to share my goals for myself since June, and so far, I am very consistent. Only goes to show that we just have to decide and stand by it if we want change. One day was all I needed. A new awakening. Just one switch inside you, and you are possible to do anything.

“Now, I have stopped drinking coffee and soft drinks and I also stopped vaping. Habits I thought I could never remove from my system. Now I feel so much better without them,” sabi niya sa post sa Thread account niya.

Aniya, na-share niya lang ‘yun, baka raw ma-inspire ang kanyang followers.

Iba nga ang aura ni Sue sa ginanap na media conference ng What Lies Beneath.

Healthy-looking at mas payat, sexy.

Diet daw. At nanggaling siya sa injury.

Maaalalang na-post niya rin ito na nagkaroon siya ng “two torn ligaments.”

“Had 2 torn ligaments in just 2 months (Nov-Jan)… Painful? Sobra. Unimaginably so. But looking back, I get amazed at our body’s ability to heal. You go from being immobilized for nearly four months, losing sleep from the constant, throbbing pain,” sabi niya sa kanyang post that time.

“To slowly regaining strength, you work to build muscle around the injury, and then one day you just wake up and realize you’re okay,” dagdag niya pa.

“‘Yung process ng healing ng katawan natin, applicable siya sa life,” sabi pa niya sa post.

“How time really does heal all wounds, and it’s surprising how suddenly we wake up not feeling the pain anymore. Or meron mang pain mas manageable na siya ngayon. Kasi mas malakas ka na,” banggit niya sa post that time na ikinokonek pa noon sa breakup ni Javi Benitez.

Dahil doon maraming nakapansin na lumusog siya.

Pero sa ginanap ngang media conference ng What Lies Beneath three nights ago, sinabi niyang nagte-tennis na siya at nakakapag-workout na ulit.

Siya na raw mismo ang nag-initiate na ibalik sa dati ang kanyang katawan.

“I’m working out again. Nagti-tennis ako with Dom (Dominic Roque),” chika niya sa ilang andun sa media conference.

Samantala, iba ang naging closeness nila sa What Lies Beneath kasama sina Janella Salvador, Kaila Estrada and Charlie Dizon with Jake Cuenca and JM de Guzman.

“Ang energy namin, I’m so happy to be wor­king with these girls. Most of the time nagtatawanan kami pero once na take na, game na kami, we know our characters.”

Pero mahirap daw talaga ‘pag kaibigan pala niya ang mga katrabaho.

“Napakahirap pong umarte kapag mga kaibigan mo ang kaeksena mo. Kapag kaming apat na ang nagsama-sama, kahit itanong niyo pa sa mga direktor namin, sumasakit ang ulo nila sa amin, kasi wala ka­ming ginawa kundi ang tumawa nang tumawa.

“It’s just goes to show na nag-i-enjoy talaga kami sa taping. Masaya ako na nakasama ko sila sa tele­serye,” dagdag niya sabay sabi na ginalingan nila sa serye na ito.

Kasama rin dito sina Jake Cuenca, JM de Guzman, Race Matias, Jameson Blake, and Yves Flores.

Ang What Lies Beneath ay unang mapapanood sa Netflix sa Oct. 17, the following day sa iWant sa Oct. 18.

Available rin ito sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel, A2Z, and TV5 starting Oct. 20.