Tatay ni Carla, hawak ang lihim ni Tom?!


Limitado ang mga kuwento ng veteran actor na si PJ Abellana tungkol sa re­belasyon ng kanyang dating misis, ang ina ni Carla Abellana.

Nakatakda raw kasi siyang magkaroon ng interview kay Julius Babao kung saan nga ibinunyag ng dati niyang misis na si Rea Reyes na cheater diumano siya sa kanyang first and second wife.

Kaya naman kahapon ay hiningan namin ng pahayag ang actor, sa presscon ng The Heart of Music, kung saan gaganap siyang ama ni Gladys Reyes. “Ewan ko sa kanila,” sabi niya kaagad.

Although may lumabas na siyang interview tungkol dito, ayaw na raw niyang magbigay ng masyadong detalye.

Pero nabanggit niya: “Reach out happened. ‘Yung last comment ko I was trying to reach out; I was trying to get in touch to find out, especially to hear the side of my daughter (Carla). Pero kabaliktaran, ‘yung anak ko pa ‘yung hindi ko nakukuhanan ng information, ng details. Si Tom (Rodriguez) na in-law ko lang ‘yan, siya ang kusang pupunta sa akin twice,” umpisa niya na ang tinutukoy ay ang hiwalayan ng anak at actor na si Tom na inilabas na sa social media ang bagong partner at anak nila.

Dugtong pa ni PJ : “That’s why I came up with an issue with Cristy Fermin coming from Tom. Hindi ko ‘yan gawa-gawa. As a parent, concerned ako sa mga bata. Pareho kong anak ‘yun eh. Gusto kong mag-referee, gusto kong to do something na mag-patch up ‘yung dalawa. Kasal na ‘yun eh. I’ve experienced the separation, so I wouldn’t like this to happen to my daughter as well,” dagdag niyang pahayag na tungkol nga sa nakaraang kontrobersya sa anak.

Parang na-misinterpret nila na nakikisawsaw kayo sa issue?

“Eh bakit ako magsasawsaw eh tatay ako. Paano nila sasagutin ‘yan. Bilang ama ba wala [akong] karapatan? Ganon ‘yun. Pumunta ‘yung tao sa akin, umiiyak sa harap ko. Nagmamakaawa, nakikiusap [na] tulungan ko sila. So what do you expect, as a parent, anak ko na rin si Tom. That’s how I see things. Kasal na ‘yung dalawa, official na ‘yun. Anak ko na pareho ‘yan. Saka hindi ako pwedeng gumitna at i-echapwera ‘yung isa. Referee ang gusto kong gawin sa sarili ko. Magre-referee ako to patch things up as much as possible,” pagdidiin niya sa nangyari noon dahil iba na ang senaryo sa kasalukuyan.

Pero anong naramdaman niya na parang hindi nakatulong ang sinasabing mabuting intention niya noon.

“Eh, ‘yan ang showbiz. Knowing showbiz, ‘yan ang showbiz. May exaggeration, may misinterpretation; kapag nahanapan ng ano may kanya-kanyang opinyon, may kanya-kanyang pagkakaintindi bawat tao. I’m very much used to that. I even told him, Tom, sabihin mo lahat sa akin. Kasi ito ‘yan, sabi ko, baka mamaya ‘pag kausap ko si Carla may maririnig akong iba dun na hindi mo sinabi, so paano ako tutulong sa’yo? I’ve experienced enough. Three marriages na ako. Dapat sa akin sila mag-survey, mag-research, at mag-consultation. Hindi naman sa pag-aano. That’s more of a joke, pero the experience itself, three marriages na ako, ‘di malawak na experience ko dyan.

“But anyway, hindi ko dinaraan ‘yan sa ano kasi as much as possible I just wanted to help, to save the marriage. Anak ko ‘yan eh. At tsaka kahit tanungin ninyo sila kung ano ang naging treatment ko sa kanila after the separation, I was very much intact with them. Prior na mag-artista si Carla, three times a week kong sinusundo ‘yung dalawang bata. Magmula nung mag-artista siya, alam ko kung gaano ka-busy ang sche­dule ng artista dahil dinaanan ko ‘yan. So hindi ko na sila nasusundo. That was the only time na nahinto ‘yung three times a week na sinusundo ko sila. What I mean is that throughout the time after the separation and annulment, I remained connected with the children. And I was friendly as well with my ex-mother-in-law and with my ex-wife because that’s the only way para wala nang komplikasyon sa pagsundo at sundo. At first may cut-off ako sa oras sa mga bata. Till the later part, nao-overnight ko na ‘yung mga bata sa akin. ‘Di ba nawo-workout ko for the better,” mahaba pa niyang pag-aalala sa kanyang na­ging relasyon sa anak noon na medyo kinagulat namin na sa umpisa ay ayaw raw niyang magkomento pero in all fairness ang dami niyang nasabi.

Anyway, this June na mag-uumpisa ng shooting ang The Heart of Music na isang musical film and target na isali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) this year under Utmost Creatives Motion Pictures na isinulat at ididirek ni Gat Alaman.

Kabilang din sa cast sina Robert Seña and Isay Alvares, Angel Guardian, Kristoffer Martin, Sean Lucas, Elijah Alejo, Rey PJ Abellana, at ang mag-asawang Joshua Zamora at Jopay Paguia.