Sa galing mag-SOCO ng netizens ngayon, malalaman din kung sino ang married woman na sinasabing naging rason ng breakup nina Kyline Alcantara at Kobe Paras.
In fact, may mga nakakakilala na sa kanya at tsinek na ang Instagram account nito.
Wala pa lang nagbanggit ng name ng girl, kaya hindi pa natin alam. Sabi ng mga naka-visit sa IG ng girl, maganda at sexy ito, kaya hindi kataka-taka kung nabighani si Kobe. Sabi pa ng netizens, mas guwapo si Kobe sa mister nito at hindi rin nakakagulat kung ma-curious siya kay Kobe.
Sa isang post, sinabi ng girl na happily married siya for two years now at boredom lang daw ang rason kung bakit may isyu sa kanila ni Kobe.
Ang tanong ng fans, kung happily married siya, bakit nasa Bando bar siya at hindi kasama ang husband niya?
Tanong pa ng netizens, bakit nakikipag-exchange siya ng messages at ito yata ang nakita ni Kyline kaya nakipag-break kay Kobe.
Nabanggit din ng girl na nakatanggap siya ng hate at death threats dahil sa isyu sa kanila ni Kobe. “I never knew making friends and following people on social media was such a big deal.
“I’m blessed to have a loving and supportive family and husband who remains by my side through this random time. Thanks.”
Sa opening ng Bando Bar na part owner si Kobe raw nito nakilala ang girl na naging dahilan ng diumano’y breakup ng dalawa.
Kung bakit naman kasi na-late dumating sa opening si Kyline, may nakilala tuloy na ibang girl ang ex niya.
AC at Ashley, nagkumpetensya sa tiktok!
May bagong makakasama sa pagti-TikTok si Rochelle Pangilinan sa pagpasok ni AC Bonifacio sa Lolong: Pangil ng Maynila.
In fact, sa first taping day pa lang ni AC sa taping, niyaya na siya ni Rochelle na mag-TikTok at ang mas masaya pa, kasama pa nila si Ashley Ortega.
Matatandaan na magkasama sina Ashley at AC sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, magka-duo sila at sabay na evict sa Bahay ni Kuya. Habang nasa Bahay ni Kuya, hindi naging maganda ang relasyon ng dalawa at may mga sinabi si AC towards Ashley na hindi maganda.
Paglabas nila sa BNK, saka sila naging friends at magkasama pa ngayon sa teleserye ng GMA.
Tuwang-tuwa ang followers ni Rochelle sa Instagram nang mapanood ang reels nila na nagpapagalingan sa pagsayaw.
Lotlot, nakiramay sa ex-mom-in-law
Ikinatuwa ng netizens ang makita si Lotlot de Leon sa wake ng former mother-in-law niyang si Pilita Corrales.
Nag-post pa nga si Nadia Montenegro ng larawan na kasama niya ang ex-couple na sina Lotlot at Ramon Christopher. May photo pa na kasama naman ni Lotlot si Ruffa Gutierrez.
Pinuri ng netizens ang mga nabanggit sa maganda nilang samahan kahit hiwalay na sina Lotlot at Monching. Sana raw, pamarisan sila ng ibang couple na kahit ilang taon ng hiwalay, hindi pa rin magkasundo at nagbabangayan pa rin.
Sa kanyang Instagram, may post si Lotlot patungkol kay Pilita na “Mamita” ang tawag niya. Mabuting ina raw si Pilita, gagawin ang lahat para sa mga anak, lalo na sa mga apo.
“She’s the kind of grandmother anyone would wish for. And I know that if she can just give and gift her family with so much more, she would. Everything that belonged to her in a heartbeat she would pass on to those who are precious to her. Her family was her number one.
My children are very blessed to have and received that kind of love. For that I am truly truly grateful.
Rest in paradise, Mamita..
A Million thanks to you.”
