September 3, 2025 | 12:00am
Binisita ni Manny Pacquiao si BBM sa Malacañang last week.
Dehins politics ang nasa menu. Dehins ‘yung last elections and dehins din ‘yung next. Of course boxing.
Ang commemoration ng 50th Anniversary ng “Thrilla in Manila” sa Oct. 1 ang nasa agenda.
Gusto pamunuan ni Pacquiao ang golden celebration ng heavyweight championship ni Muhammad Ali at Joe Frazier.
Sabi ng iba, ito ang greatest fight of all time.
Bongga ang gustong ihanda ni Pacquiao at marahil, humingi siya ng suporta ni BBM na 18 years old lang nung 1975.
Sa Araneta Coliseum ginanap ang laban 50 years ago. Tanghali para sa live broadcast, gabi sa America.
Si Ali ang nanalo nung umayaw ang kampo ni Frazier bago pa magsimula ang 15th round. Yes, 15 rounds dati ang title fights.
Ang dehins alam ng marami, pinapagupit na ni Ali ang sintas ng gloves niya dahil ayaw na din niya lumaban. Naunahan lang siya ni Frazier.
At dahil may 1 billion viewers worldwide, dumating si Apo Lakay, si Ferdinand Marcos Sr. na noon ay presidente.
Kung matuloy ang celebration, kailangan dumating si BBM.
Wala na si Ali, wala na si Frazier, wala na si Apo Lakay.