Thunderbelles winalis ang Pool B


Russell Cadayona — Pilipino Star Ngayon

November 5, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Humataw si American import Anna DeBeer ng game-high 33 points para gabayan ang ZUS Coffee sa 23-25, 22-25, 25-23, 25-12, 15-7 reverse sweep sa Akari sa 2025 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Confe­rence ka­hapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Nagdagdag sina Jove­lyn Gonzaga at Riza Noga­les ng tig-11 markers, habang may 27 excellent sets si Cloanne Mondonedo para sa 5-0 record ng Thun­derbelles.

Makakasama ng tropa ni coach Jerry Yee ang Char­­gers at ang nagdedepensang Creamline Cool Smashers, may parehong 3-2 marka, sa Pool C kung saan nila sasagupain ang bottom three teams mula sa Pool A.

Ayon kay Yee, mahaba pa ang labanan para magdiwang sila.

“Masarap pakinggan iyong 5-0, pero ang haba pa ng tournament eh,” sabi ni Yee.

“Bottom three kakalaba­nin pa natin, ikot pa tayo kumbaga, round robin ulit. And then iyong semis pa and then magpa-finals pa, masyado pang malayo,” dagdag nito.

Binanderahan ni American reinforcement Anne Mitchem ang Akari sa kan­yang 27 points kasunod ang 15 markers ni Eli So­yud.

Nag-ambag sina Ced Do­­mingo at Gretchel Sol­tones ng tig-11 points.

Bumangon ang ZUS Coffee mula sa 0-2 pagka­kabaon sa Akari para ma­katabla sa fourth set, 2-2, at makahirit ng fifth frame.

Sa pangunguna nina DeBeer at rookie AC Mi­ner ay nagpakawala ang Thunderbelles ng isang 8-1 atake sa fifth set.

Hindi na ito naputol ng Chargers.