August 13, 2025 | 12:00am
Idinaan sa joke ng veteran actor na si Tommy Abuel ang sagot nang tanungin ko kung gusto niyang mag-react sa ikinakalat ng ilang content creator na pumanaw na siya.
Hindi kasi siya ma-social media.
Very traditional ang buhay ni Sir Tommy na sa kasalukuyan ay 82 years old na.
“Wag na,” mabilis niyang sagot. “Di ko naman alam yang mga ganyan. Hayaan mo na lang. Ang importante andito pa rin ako. GUAPO PA RIN! Ha ha ha!,” buong message ni Sir Tommy na kasalukuyan pa ring napapanood sa Batang Quiapo.
Na tama naman. Ba’t siya papaapekto.
Iba naman ang reaction ng isa pang veteran actor na si Pen Medina na ginawan din ng intrigang pumanaw na rin ng ilang content creator na hanapbuhay ay gumawa ng fake news para may pang-content.
Si Cong. Lani Mercado ang naging abala sa nasabing memorial service para sa kanilang talent manager ni former senator Bong Revilla na ginanap sa Valencia Events Place. “Forty days mula nang iwan mo kami, Nay Lolit. And we miss you every day. Miss namin ang tawa mo, ang mga biro mo, ang mga kuwento mo. We love you so much!,” sabi ni Cong Lani.
Naglabas ang actor ng resibo na kamakailan ay tumanggap ng Icon Award sa 8th Eddys ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).
Nag-upload siya ng real-time photo na hawak ang kanyang cell phone na may date and time nung araw na iyon.
“Proof of life,” caption niya habang nasa labas o sa mall yata.
As if totoong-totoo na pumanaw ang actor base sa mga content ng ibang vlogger at Facebook user.
As if may detalye sila ng mga pangyayari.
Nauna na itong kinontra ng anak ni Pen na si Alex Medina.
“Pa report ng g*go na to pls. Mga kupal at scammers.”
Nakasaad kasi sa post na, “Veteran Actor Pen Medina Has Passed Away — But What His Family Finally Revealed About His Final Days Has Left Fans in Tears.”
Isa pang post na nakita ni Alex ay: “JUST IN: Veteran Actor Pen Medina Abruptly Disappears from Spotlight — Here’s the Heartbreaking Reason Behind It!”
Truth naman, nakakaloka ang kakapalan ng ibang mag-content ng fake news.
Anyway, isa pang kumakalat na fake news ay ang tungkol kina Gerald Anderson at Gigi de Lana.
Inamin na diumano ni Gigi na may anak sila ng actor kaya’t hiwalay na raw talaga ito kay Julia Barretto.
Nakakaloka.
Kaya ‘pag gullible ka talaga, mabibiktima ka sa social media.
