Totoong presyo nalantad…Paraiba tourmaline ring ni Heart, nagkakaubusan!


SHOW-MY — Salve Asis — Pilipino Star Ngayon

October 14, 2025 | 12:00am

Ayyyy!!! Hindi naman pala totoong 56 million pesos ang presyo ng Paraiba Tourmaline ring na nag-sold out sa ilang online seller.

Naging hot item ang Paraiba ring dahil ayon sa ilang netizens, ang isang 3-carat Brazilian Paraiba ay maaaring nagkaka halaga ng $450,000, habang ang mga malalaking bato tulad ng suot ni Heart Evangelista na tinatayang 5-6 carats, ay lampas daw sa $1 milyon ang presyo base sa kanilang analysis.

Ayon sa mga haka-haka, ang nasabing Paraiba ring ay malamang na nagmula sa Brazil na simbolo raw ng totoong mayaman.

Pero ‘yun nga, sabi ng isang seller hindi naman ganun na sobrang taas ang presyo ng nasabing gem stone. More than a million Philippine pesos lang daw ‘yun!

Ang analysis ng alaherang si Kei Chan, na-over estimate ng netizens ang presyo ng Paraiba ring dahil si Heart ang may suot.

Sabi pa nito na malamang raw kung iba ang may suot nung singsing, hindi ganun ang sasabihin nilang halaga.

May mga bali-balita pa nga na marami raw ngayon ang gustong magkaroon ng Paraiba ring lalo pa nga’t more than one million Philippine pesos lang talaga ang halaga nito — may mga klase pa nga na mas mababa pa raw sa P500K ang presyo!

In fact, ayon kay Kei Chan, may nagaganap na “Paraiba hoarding” at nagkakaubusan ng gem stone na iyon sa Japan ngayon. Selling like hot cake nga raw ang Paraiba ring at ang dami raw nag-i-inquire at bumibili nito sa kanya sa kasalukuyan.

But, why not???!!! Kung kaya naman ng budget at sa hindi kamahalang halaga ay magiging mukhang mayaman naman ang kamay mo! Hahaha!!!

Naalala ko tuloy ang kuwento ni Rufa Mae Quinto, na may isang pagkakataon na namili nga si Heart ng pre-loved items at nang isuot na nito ang gamit, walang trace na pre-loved pala ito.

Ang bottomline talaga, nasa nagdadala lang.