Nakalabas na sa Pinoy Big Brother house si Will Ashley.
Malaking tulong ang PBB sa career ni Ashley na hindi makalimutan kung paano nilait-lait ng isang faney.
Ang kuwento, may isang kasambahay na nagpa-picture kay Will paglabas niya ng event sa isang restaurant. So na-excite rin naman ang amo. So siya ang nagkuha ng picture. Pero habang nagpi-picture kay Will at sa kasama niya sa bahay, nagda-dialogue ito ng “‘di ko siya kilala, sino nga siya?” Something to that effect na paulit-ulit na sinasabi ng amo ni ate kasambahay sa harap ng upcoming actor.
Awang-awa kami kay Will.
At least ngayon ‘di na siguro siya malalait dahil mas kilala na siya paglabas ng PBB.
