Ahh walang banggit kung sino pero maligaya si Yen Santos na nakawala na raw siya sa huling karelasyon.
Ito nga ang rebelasyon ng actress sa kanyang first vlog.
Common knowledge na si Paolo Contis ang huli niyang karelasyon.
Pero pareho silang hindi nagbigay ng confirmation na hiwalay na sila.
“Napakalaking blessing na natapos na ‘yun. Malaking blessing na nagising na ako sa nightmare na ‘yun and I walked away kasi hindi talaga worth it,” kuwento niya pa sa kanyang unang vlog na as of kagabi ay 5,000 na ang followers.
Season of growth and exploration daw ang paggawa niya ng vlog.
At ‘I’m at peace’ raw siya ngayon as in payapa raw ang buhay niya.
Napakalaking blessing daw na natapos ang relasyon niya na ‘yun – sa isang tao na mina-manipulate raw siya at kino-control.
“That kind of life drains you and you lose yourself in the process. Hindi mo gugustuhin talaga ‘yung ganun klaseng buhay,” dagdag niya
“The person I met at the beginning, that wasn’t really him. The one I saw at the end, ‘yun talaga siya. Siyempre sa una, hindi naman ‘yan magpapakilala ng totoong pagkatao nila eh. Gagawin nila lahat para makuha ‘yung loob mo tapos kapag nakuha na ‘yung loob mo, unti-unti na ‘yan. Doon na lalabas ‘yung totoong pagkatao nila,” sagot pa niya sa tanong.
“Naniwala ako sa lahat ng mga pinakita nung una kahit gaano ko jinu-justify dati na okay naman kami, masaya naman kami pero you know deep down, may mga taong nasaktan sa maling choices mo. It was wrong. Para sa akin, ‘yung ganun klaseng tao matatauhan ka talaga kapag ganun ka trinatrato,” sabay pagso-sorry niya.
“Ngayon, ang mahalaga tapos na and mas maayos na ‘yung takbo ng buhay ngayon,” sabi niya pa at pinagdiinang payapa ngayon ang kanyang buhay.
Aniya patibong daw ‘yung naramdam niya dahil sa umpisa pa lang ay hindi siya nito minahal kundi minanipulate lang siya.
Ahhh I’m sure hindi magsasalita si Paolo o sasagot tungkol dito.
Anyway, may pinagsamahan naman sila ba’t kailangan talagang ganun ang mga sabihin niya tungkol sa naging relasyon nila ni Paolo?
In all fairness kay Paolo, pinaglaban naman siya.
Ahh baka naman dahil first vlog niya kasi ‘yun.
