Biyaheng Turkiye ang anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin.
At manggagaling sa US ang isa pa niyang daughter na si Venice.
Mismong si Ruffa ang nag-post na kasama si Lorin ng: “Family time is the best time!
“Sending Lorin off to Istanbul to reunite with her Baba (Dad) and the Bektas family, while Venice joins them from the U.S. for their epic Turkiye summer holiday!
“My heart is full knowing they’ll be together again. Wishing my daughters a summer filled with love, laughter, and unforgettable memories”
Hindi natuloy sa bansa si Yilmaz Bektas.
Pinag-usapan nga ang tungkol sa pagdating sa bansa ng ex-husband ni Ruffa dahil tinanong siya kung tuloy ba ang pagpapadala ng ex niyang Turkish businessman ng pera sa kanilang mga anak na sina Lorin and Venice.
Naging maayos ang lahat sa kanila nang dalawin ng mga anak niya sa Turkiye ang ama last year.
Nauna nang umamin si Ruffa na nag-propose ulit ang ex-husband niya last March. “It was more of an excitement kasi for the first time since 2008 babalik na siya sa Pilipinas, kung pupunta siya ha,” sabi niya sa amin sa huling interview.
