Isa lang ang dahilan bakit maalat pa sa Rufina patis ang simula ng TNT sa PBA Philippine Cup.
Wala si RHJ.
Pati TNT players, ‘yan ang sinasabi. Nu’ng mag-champion nga naman sila sa Governors’ Cup at Commissioner’s Cup, nandun si Rondae Hollis-Jefferson.
Opensa man at depensa, main man nila ang super import.
Kaya ngayon na All-Filipino, damang-dama nila ang absence ni RHJ. Sa points, rebounds at defense, may malaking butas.
Mahirap itong punuan at nahalata natin ‘yan sa first three games nila kontra NLEX, Converge at Phoenix.
Ang mabigat nito, San Miguel Beer pa ang kalaban mamayang gabi. Kung walang magbabago, 0-4 ang Tropang 5G.
Dehins pa naman tapos ang laban dahil 11 games sa eliminations. Pero kailangan na nilang pumulot ng mga panalo.
Siguro, may chance ang 5-6 makapasok sa quarterfinals. That means kailangan na ipanalo ng TNT ang five of their next eight games.
Mabigat na laban dahil Grand Slam ang hangad nila. Nataon pa na All-Filipino ang last conference.
No RHJ.