Sasabihin ni Dennis nahulaan na raw…
Ang daming pumuri kay Julia Barretto matapos siyang pasalamatan ng mommy niyang si Marjorie sa iniregalo niyang kotse sa ina.
«Today is a happy day. Thank you dearest Julia for this gift and all the love you shower me with. God bless you more. I love you,» buong caption ni Marjorie kalakip ang kanyang souvenir photos sa bagong sasakyan na isang van.
At ang daming maligaya para kay Marjorie.
Deserved daw nito ang nasabing sasakyan.
Solid na solid ang naging relasyon ni Marjorie sa mga anak sa kabila ng mga kontrobersiya sa ama nilang si Dennis Padilla.
Na naisip kaagad ng mga netizen na tiyak na ikaka-react ng komedyante.
At sila (netizens) na mismo ang nagkomento ng mga puwedeng sabihin ni Dennis or ipo-post.
