Heart, naglitanya! | Pilipino Star Ngayon


May nagpadala sa akin ng kabuuang kopya ng Instagram live ni Heart Evangelista noong Martes na naging emotional siya nang umabot ang usapan sa ‘di niya pagdalo sa rally noong nakaraang Linggo.

Lalo pa siyang nasaktan sa mga nagsasabing childless siya. Kaya tuluy-tuloy ang litanya niya para ipagtanggol ang sarili.

Marami siyang sinagot na isyu, pero itong ‘di niya pagpunta sa rally ang isa sa ipinaliwanag niya.

Ang punto niya, kahit hindi man siya pumunta roon, isa siya sa nakiisa sa nararamdaman ng taumbayan dahil sa mga nangyayari. “I have so much things to say. Because it is unfair. It is unfair that I am here, and how come they’re not… how come they’re not given the same exact opportunities, because they were also on time. They also went to work. In fact, they also had times when that they go to work, by the time they get home, everybody is asleep. And it’s like we’re renting our lives. That we’re working to live.

“We don’t even have time to live. And that upsets me as well,” dagdag niyang pahayag.

Kaya sinabi na rin niyang hindi na siya aalis para sa mga natanguan niyang fashion week. Kahit kumikita siya roon at ito na rin ang trabaho niya, i-let go na muna niya ito sa ngayon.

Binanggit pa niyang kumikita siya ng at least P2 million sa bawat brand na dinadaluhan niya. “And so, I’m not here because I wanna make hanash. I’m here because I wanna let people know that I’m not going to fashion week.

“Maybe some people think, ang shallow, ganyan-ganyan. It’s just fashion week.

“It’s something I love. It’s something I’m passionate about. But it’s my job, okay.

“I lose a lot by not going. It’s my job, you know, and you could say anything about how I look. You could say anything about things,” dagdag niyang pahayag.

Nasaktan si Heart sa sinasabi ng iba na akala mo ay kilalang-kilala siya.

Masakit nga naman sa kanya na tinatawag siyang childless.

Aniya, “First don’t call me childless, because I be on myself up on every day. Because I know I’m childless because I’m workaholic, and I don’t have enough time for that.

“Second, don’t come from my professional integrity, because I’m working for 27 years, and I am blessed na wala akong pamilya na kailangang buhayin. Pero hindi ibig sabihin na wala akong pamilyang binubuhay… it is my prerogative not to post what I do for other people, because my points in heaven are far more important than my points here.”

Since, hindi na nga siya aalis ng bansa, may panahon si Heart na harapin itong balak niyang magsampa ng legal action laban sa mga taong may masasakit na paratang at sinasabi laban sa kanya, pati sa kanyang pamilya.

Sabi nito, “I have been having meetings with my attorney and definitely I will take it sitting down. What some people been saying about me, not even allegedly.

“Everything I do is proper. Everything is well documented. That’s not my problem actually. It’s the least of my problem, but I just want to come here to air out and tell you how upsetting it is that ako pa ‘yung naging casualty.

“Ako pa ‘yung naging political tool of entertainment, and I will not take that sitting down.”

Nagpasalamat na rin siya sa mga produktong hawak niya roon sa Europe at pati rito sa Pilipinas dahil naintindihan ang kalagayan niya ngayon.

“So, aside from not going to Fashion week, I think I have other important responsibilities, and I also want to take this opportunity to say thank you to all the brands that understand and support me for not going. And all the brands also here in the Philippines, thank you very much for seeing my heart,” saad ni Heart Evangelista.

Deborah Sun, cancer-free na!

Nagbukas na ang 7th Sinag Maynila na ginanap sa Gateway Cinema nung Martes.

Ang restored version ng pelikulang Jaguar na obra ng namayapang National Artist na si Lino Brocka ang opening film.

Bida sa pelikulang ito si Phillip Salvador pero hindi nakadalo ang aktor at ang leading lady nitong si Amy Austria.

Ang nakatsikahan namin doon ay ang pamangkin ni Kuya Ipe na si Deborah Sun.

Hindi matapus-tapos ang pinagdaanan ni Deborah, dahil ang bagong hinaharap nito ngayon ay ang sakit niyang Cancer.

“Nagka-colon cancer ako,” ang kaswal na pagkasabi ni Deborah. “Nalaman noong June 14 last year. Stage 2. Nag-oral chemo ako, at in less than a year, which is seven months of medication, I’m cancer-free.

“Pero siyempre dahil the great cancer ka, naka-monitor. At least five years, dapat naka-monitor,” dagdag niyang pahayag.

“Ngayon nga, nag-PET scan ako. Iyong PET scan, may nakitang maliliit na bukol sa chest ko.

“Na-CT scan ako. Nag-CT scan ako two weeks ago, nakita naman, bukol sa breast.

“Kaya magso-sonogram ako sa Oct. 9. Ipag-pray mo na sana, wala. Nakakatakot, ano?” sabi pa nito.

Pero kahit mabigat itong pinagdaraanan niya, ayaw niya na magpaka-depress.

“Kasi, positive ako, e.

“Saka ano ako, happy ano. Kasi, ang katuwiran ko, siguro binigay ni Lord iyan, pagsubok, e. Alam mo ‘yung ganun.

“Kaya tingnan mo, in less than a year, seven months treatment, I’m cancer-free. ‘Di ba?

“Matigas kasi ang ulo ko. Lahat ng bawal kasi, kinakain ko, e. ‘Yung mga processed food, bawal, iyong mga red meat. Hala!

“Nung bago nga mag-eleksyon, nagpunta ako sa Senate, sabi ni Senator Bong Revilla, ‘Hay, Deborah! Ikaw sa lahat ng may kanser ang ubod ng taba!’

“‘E kasi, Senator, lahat ng food, kinakain ko.’ ‘E ba’t mo kinakain?’ At saka si Senator Lapid (Lito) pala, tumutulong sa akin iyan!” sabi pa ni Deborah.