August 12, 2025 | 12:00am
Uy nakahanap ng kakampi si Vice Ganda.
Ito ay matapos kwestiyunin ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro ang pamba-bash ng mga supporter ni former President Rodrigo Duterte sa joke ni Vice Ganda sa kanilang Super Divas Concert nila ni Regine Velasquez sa Araneta Coliseum last weekend.
Ginawa ngang joke ni Vice ang sinabi noon ni former Digong na sasakay siya ng jet ski sa West Philippine Sea at ang pagdala sa dating pangulo sa The Hague. “Parang lumalabas na bastos si Vice Ganda. Teka lang, sino ba ang bastos? Sino ba ‘yung palamura? Sino ang bumastos sa mga Pilipino?” patanong na sabi ni Castro.
“Binabastos n’yo ang Pangulo. Disente kayo? Tapos si Vice Ganda, na galing sa dating pangulo ang mga sinabi na ‘yon, napipikon kayo?” sabi pa niya.
Hanggang kahapon ay trending pa si Vice Ganda.
Iba’t iba ang reaction ng netizens sa patama na ‘yun ni Vice kay dating Pangulong Duterte.
