Vice walang maintenance, nag-quick break sa social media!


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

August 18, 2025 | 12:00am

Habang ang bashers ni Vice Ganda ay parang naha-highblood na sa galit, kabaliktaran ito sa health status ni Vice.

Wala pala itong kahit anong maintenance.

Kuwento ni Vice, for this year dalawang beses siyang nagpa-executive checkup, ang isa ay sa Singapore pa. At nagpapasalamat siya na in good health condition siya  – a state of complete emotional, mental, and physical well-being.

Sinusubukan daw niyang kumain lamang ng isda at gulay.

Nakakatulong din aniya ang mister niyang si Ion Perez na mahilig mag-exercise.

Actually, sa grupo raw nila, siya lang ang walang maintenance.

Anyway, nakapagbakasyon din siya sa Singapore pagkatapos ng Super Divas concert nila ni Regine Velasquez last last weekend na lumikha ng kontrobersiya.

Pero aniya nagtutulog lang siya at hindi gaanong nag-social media.

At last minute na raw siya nag-shopping. “Bina-bash daw ako, ‘Wag ka mag-social media.’ So, hindi ako nag-social media…

“Last minute bili ako nang bili, sabi nila, grabe, sa isang araw, magkano nagastos mo? Sabi ko ‘Napagod naman ako nung isang linggo,’” natawa niyang kuwento sa amin sa isang thanksgiving chikahan para sa kanyang natanggap na Box Office Hero trophy sa 8th Eddys na ginanap noong July 20.

Na aniya ay gusto naman niyang mapagod na maganda ang suot. “And pamilya ko kasi hindi din mahingi kaya ako nakakaipon. Kaya kaya kong bumili kung ano gusto ko.

“‘Yung pamilya ko hindi magastos. I’m very lucky because I’m earning more than enough that I can afford to spend on stuff. Kaya rin siguro gumaganda ‘yung aura kasi nakakagamit ka ng matitinong gamit at maganda,” pahayag niya pa sa aming kuwentuhan sa Vice Comedy Club na first time naming nakapasok at jampacked talaga, kung ba’t maganda lagi ang awra niya.

Aniya wala rin naman kasi siyang bisyo.

Hindi siya naninigarilyo, umiinom etc. kaya isa siya sa top taxpayers in Quezon City.

At kini-credit niya ang disiplina sa pera kung paano sila lumaki.

“Lumalaki kami, ‘yung nanay ko nasa Amerika (working) and wala na kaming Tatay, so it was just us siblings.

“The allowance sent to us was good for the entire month. We didn’t have a grocery budget. ‘Yung allowance namin ‘yung ang pang-kain namin. Kanya-kanya kaming pagkain so ‘pag naubos ‘yun, walang mapapadala nanay ko.

“We had to budget our own allowance, so I cannot live beyond my means. So when I started earning, I was very careful. That’s why I was able to save, because I was so afraid of (financial) hardship,” sabi niya na nakangiti.

Anyway, nagsimula na rin silang mag-shooting ni Nadine Lustre ng Metro Manila Film Festival  (MMFF) movie nilang Call Me Mother.

Kaya naman aminado si Vice na ngarag na ngarag siya sa concert rehearsals at preparations nga for MMFF film.

“Windang-windang ako. We started with workshops, then brainstorming kasi I’m part of the creative team. Ang hirap kasi magkaiba sila. Masaya ‘yung concert, may lungkot ‘yung movie. Mahirap i-compartmentalize,” sabi pa niya sa amin.

Hindi pinag-usapan sa nasabing chikahan ang ‘jetski’ controversy.

Nakabalik na siya last Saturday sa It’s Showtime.

Samantala, pinasalamatan ng Tawag ng Tanghalan Grand Resbakers si Vice sa kanilang concert na ginanap sa New Frontier Theater noong Sabado ng gabi.

Nagsama-sama nga sa nasabing concert ang 10 talents ng It’s Showtime sa pangu­nguna ng kampeon na si Marko Rudio, na talagang hinangaan ng mga manonood. Para kasing patibayan ‘yun ng lalamunan dahil sa malalang biritan.

Kabilang nga sa mga nagtanghal sina Verna Tuliao at iba pang alumni ng TNT na sina Ian Manibale, Miah Tiangco, Eich Abando, Mark Justo, Ayegee Paredes, Makki Lucino, Charizze Arnigo, Nowi Alpuerto, at Jezza Quiogue.

At doon nga nila sinabi na hindi nila malilimutan na naging hands-on ang Unkabogable star at kanilang buong Showtime family sa nasabing concert.