Jodi, nakawala na sa pagiging claustrophobic


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

August 18, 2025 | 12:00am

Sa halip na hayaan ang takot na magdikta sa mga gagawin niya, hinarap ni Jodi Sta. Maria ang kanyang kinatatakutan.

Aminado ang actress na claustrophobic person siya o isang taong dumaranas ng takot na nasa mga saradong espasyo.

Pero nakaya nang pumasok sa isang madilim na kweba kamakailan.

Sa kanyang Instagram nga ay makikitang nagpunta sila sa kweba na parang sa Palawan na madilim at may mga paniki.

Caption niya: “Fear has a way of making things look bigger, darker, and scarier than they really are.

“But I’ve learned that courage isn’t the absence of fear… it’s choosing to keep moving, even with fear beside you.”

Kasama sa nasabing post niya ay kung pwede raw bang mag-back out.

“That day, I didn’t just step into a cave… I walked in anxious, telling myself, ‘Okay, I am scared but I’m doing this anyway.’ That moment I was reminded courage grows each time you try.”

Consistent siya noon pa sa pagsasabing claustrophobic siya.