Gigi De Lana, pinatunayang walang baby sa tummy!


SHOW-MY — Salve Asis — Pilipino Star Ngayon

August 24, 2025 | 12:00am

Wala sa hitsura ni Gigi de Lana na buntis siya. Actually, ang payat nga niya sa short hair.

Nagsilbi si Gigi na hurado sa Eat Bulaga kahapon.

At bilang judge pinakanta siya kasama ang iba pang judges.

Ang dami nilang judges doon like Kristina Paner, Bayang Barrios, Ella Mae Saison, Gino Padilla among others kung saan ang mga kasali ay ‘yung mga aspiring singer na nanggagaya ng boses ng mga sikat na singer.

Na sumali pala si Gigi noon sa nasabing segment ng Eat Bulaga.

Kaya pinapanood ang kanyang lumang video, taong 2013 at ginaya niya noon ang boses ni Jennifer Hudson.

Ibang-iba pa noon ang hitsura ni Gigi.

Pero ang ang mas tinutukan actually ay kung totoong preggy siya.

Iniintriga nga si Gigi na diumano’y buntis. At ang ama diumano ng kanyang dinadala, si Gerald Anderson.

So confirmed, fake news ang kinakalat ng ibang content creator na preggy ang singer.

Anyway, maganda ‘yung segment na ‘yun ng EB, ang gagaling ng mga kasali.

Parang mga ghost singer sila ng mga original singer ng mga kinakanta nila.