Echo at Janine, ikakasal na o magsasama na sa isang bahay?!


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

August 25, 2025 | 12:00am

Tuloy pa raw ang paghahanap ng bahay nina Jericho Rosales and Janine Gutierrez.

Lilipatan daw ito ng magkarelasyon.

Ahhh ikakasal na kaya sila? O engaged na?

Well, hindi na naman sila mga bata at pwede na nilang gawin ang gusto nila.

Forty-five years old na si Jericho at 35 si Janine.

Pwede na silang pakasal kung annulled na ang actor sa ex-wife niyang si  Kim Jones na isang Australian-British fashion influencer and digital creator – ikinasal sila noong 2014 at naghiwalay after five years.

Si Janine naman ay matagal na ang huling karelasyon, si Paulo Avelino pa.

Samantala, abala ngayon si Jericho sa pagpo-promote ng historical biopic ni Pangulong Manuel L. Quezon na ipapalabas sa mga sinehan sa Oktubre 15.

Inamin ng actor na pinag-aralan niyang maigi ang character ni Quezon at dumaan siya sa grabeng research at paghahanda para sa nasabing character