August 30, 2025 | 12:00am
Ang daming nag-react sa Instagram Story post ni Vice Ganda na “Super tipid ako dito sa London kasi ang mahal. Kaya namalengke na lang kami nung first day at nagluto dito sa air bnb. Pangatlong araw na naming iniinit ‘tong natirang adobo.
“Tapos bigla kong naalala ung milyon milyon kong tax na pinaghahati hatian ng mga garapal na magnanakaw. Araw koooo!!!”
Makikita sa pinost na photo ni Vice na konti na lang ang adobo nila at baka mamalengke uli sila para sa kanilang pagkain.
Sumunod ang post ni Vice sa naging reaction ni Anne Curtis sa nabanggit ni Jessica Soho na ang korapsyon ang magpapalubog sa bansa natin at hindi ang baha. “Sakit” ang reaction ni Anne at ‘yun din ang nararamdaman ng mga kababayan natin.
Sabi ng netizens, may karapatang magreklamo si Vice dahil isa siya sa top taxpayer ng bansa, pagkatapos, sa korapsyon lang mapupunta ang ibinabayad niya sa BIR (Bureau of Internal Revenue).
Nasa London sina Vice para sa ASAP at marami silang Kapamilya talents na pumunta roon.
Bianca, nakahanap ng peace sa Bali
Nagkaroon ng “Me Time” si Bianca Umali at pumunta siya sa Bali, Indonesia. May kasama naman siguro ang bida ng Sang’gre, pero hindi sinabi at wala ring picture. “These past days, I’ve been smiling more – no reason, just peace. Siguro dahil sa hangin ng dagat, sa tunog ng alon, o sa init ng araw na humahaplos sa balat ko.
“But deeper than that, it’s the quiet joy of knowing I’ve found peace within me.
“For the longest time, I thought peace was something I had to chase, something I had to earn. Pero natutunan ko na hindi pala – peace comes when you stop fighting against life’s current, and simply allow yourself to flow with it. The highs and lows, the calm and th chaos… they all belong to the story of living.
“Within me, my heart feels light, my mind feels free, and my soul feels whole.
“And my hope is this: (emoji ng red heart). that whoever’s reading this right now, you also get to find your own peace. In your own time, in your own way.”
Comment ni Ruru Madrid, “Masaya ako na masaya ka… I love you.” Sagot ni Bianca, “@rurumadrid8 I MISS YOU SO MUCH!!! Mahal na mahal kitaaa.”
Nasa Canada pa si Ruru kasama sina Kyline Alcantara at AiAi delas Alas for a show para sa mga Kapusong Pinoy roon.
Daniel at Nadine, gusto ring pagtambalin!
Mangyayari na nga ang matagal nang hinihintay ng fans nina Kathryn Bernardo at James Reid at ito ay ang kanilang pagtatambal sa isang primetime series sa Kapamilya channel.
Kaya may request din na sana sa susunod, sina Nadine Lustre at Daniel Padilla naman ang pagsamahin sa isang teleserye para ang fans naman ng dalawa ang matuwa at sumaya. Bagay rin daw sina Daniel at Nadine at wish ng fans, pagbigyan sila ng ABS-CBN at Dreamscape na siyang nasa likod na Kathryn at James project.