All-in-one pet care platform, binuksan sa bansa ng Globe!


Pilipino Star Ngayon

October 12, 2025 | 12:00am

Nais ng Globe na gawing mas accessible para sa bawat pet parent sa Pilipinas ang mga pangunahing pangangailangan sa pagkalinga sa alaga, sa pakikipagtulungan sa Pettr, ang kauna-unahang all-in-one digital pet care platform sa bansa.

Isinasama na ngayon ng Globe ang pet wellness sa araw-araw na konektibidad. Sa pamamagitan ng Go+99 offers, makakakuha ang mga subscriber ng P100 discount voucher para sa teleconsultation sa mga lisensyadong beterinaryo at iba pang mahahalagang serbisyo, para mas mapadali ang access ng mga pet parent sa mga serbisyong kailangan nila.

Bilang patunay ng totoong malasakit sa mga hayop, nakipagtulungan din ang Globe sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS) — isang non-profit na organisasyong binubuo ng mga volunteer na nakatuon sa pag-aaruga ng mga nasagip na hayop, pag-iwas sa karahasan laban sa hayop, at pagsusulong ng makataong pagtrato sa kanila.

Maglulunsad sila ng sunud-sunod na pet care initiatives, simula sa mga employee engagement programs gaya ng mga volunteer activities, donation drives, at awareness campaigns bilang suporta sa mga adbokasiya ng PAWS.

Sinimulan ang inisyatibo sa Volunteer Day noong Sept. 25, 2025, sa PAWS Shelter sa Katipunan, Quezon City, kung saan humigit-kumulang 50 empleyado ng Globe ang nag-donate ng pet-care amenities at naglaan ng oras para pakainin, linisin, at basahan ng kwento ang mga aso’t pusa sa shelter.

Sa pamamagitan ng mga pagsisikap na ito, patuloy na umuunlad ang Globe sa higit na pagiging connectivity provider, at isinusulong ang kultura ng malasakit sa sarili nitong komunidad. Bilang pagkilala ng bawat tahanang Pilipino sa mga alaga, pinagdiinan ng Globe na ang tunay na kahulugan ng malasakit ay nasa araw-araw na pagkakaisa.