August 31, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Kasado na ang lahat para sa pagdaraos ng World Pole Vault Challenge tampok ang mga world-class athletes na magtatagisan sa Setyembre 21 sa Ayala Triangle Gardens sa Makati.
Ngunit nakaabang ang lahat kung darating si reigning world champion, Olympic gold medalist, world record holder at Olympic record holder Armand Duplantis ng Sweden.
Wala pa ang pangalan ni Duplantis sa unang batch ng mga atletang sasabak sa naturang world pole vault challenge.
Sa kasalukuyan, may ilang kilalang personalidad na ang kumpirmadong lalahok.
Nangunguna na sa listahan si Menno Vloon ng Netherlands na kasalukuyang nasa No. 7 sa world ranking ng International Athletics Association Federation.
Kamakailan lamang ay nasungkit ni Vloon ang European Indoor gold medal.
Masisilayan din sa aksyon sina American pole vaulters Austin Miller at Matt Ludwig.
Si Miller ay US champion at nasa No. 14 sa world ranking habang nasa No. 25 naman si Ludwig.
Kakasa rin si Asian champion at two-time Olympian EJ Obiena sa naturang torneo.
