August 31, 2025 | 12:00am
New coach, new hope?
Well, ewan ko lang dahil minsan or kadalasan, wala sa coach ang tunay na chances ng team sa PBA.
Or kahit sa ibang liga.
Sa pagpasok ng PBA Season 50 sa October, tatlong teams ang may bagong coaches.
Si LA Tenorio na ang may hawak sa Magnolia, si Willy Wilson na ang head coach ng Phoenix at si Ronald Tubid na sa Terrafirma.
Sa coaching changes, mas excited ako sa Magnolia. Siguradong maninibago tayong lahat makita si LA sa Magnolia bench.
Dehins na siya naka-Ginebra jersey. At maaalala natin ang last big shot niya for Ginebra – ‘yung three-point shot kontra San Miguel sa Game 6 ng Philippine Cup semis.
‘Yun na ang souvenir ni LA sa Ginebra fans.
At isa, paano na ang “Manila Clasico” ng Ginebra at Magnolia? Nasa kabilang bakod na si LA.
Parang mas madali ang sitwasyon ni LA at Wilson sa Phoenix dahil malakas ang lineup ng Magnolia at ang Phoenix, kahit papano naman eh may materyales.
Pero sa Terrafirma, ewan ko kung ano ang diskarte ni Tubid sa barahang hawak niya.
Kung pusoy dos ang laro, three pairs ang kartada.