Beauty, pinagmalaki ang neckpiece na naipon mula noong panahon ng kolonyal


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

September 1, 2025 | 12:00am

Nagbigay ng background si Beauty Gonzalez tungkol sa suot niyang neckpiece kahapon.

Isa raw itong ‘assemblage’ ng maraming tao na Pango o PangAw necklaces na nakolekta raw nila ng kanyang asawa sa loob ng maraming taon.

At ang mga gold foil na ito raw na nakabalot sa glass beads na lubos na hinahangad ng bead collectors at mga ornament na isinusuot ng mga Ifugao mula pa noong panahon ng kolonyal hanggang sa araw na ito.

Ang mga ito raw ay karaniwang ipinapasa mula sa iba’t ibang henerasyon bilang mga bagay ng prestihiyo at kayamanan.

Grabe. Ganun ang background ng nasabi niyang neckpiece.

Dagdag pa sa post ni Beauty:

“Not merely monetary wealth but the passing down of generational aspirations, heritage and cultural practices.

“It is a great privilege for me to wear these.

“Through sheer luck and perseverance we were fortunate enough to acquire pieces both from other collectors and dealers, but most meaningful to me are the Beads we were able to obtain straight from their previous owners who have actually worn them for decades as evident in the varying degrees of patina and by their origin stories,” pagbabahagi ng actress na kilalang collector ng centuries-old na mga alahas.

Kilalang curator naman ang mister ni Beauty, si Norman Crisologo.

Bukod sa mga painting nababanggit na ni Beauty sa mga interview na mahilig siya sa mga alahas. Pero hindi mga ordinaryong alahas lang. “Yah, I love jewelries na may stories. Heritage, I collect… excavated gold… gusto ko ‘yung may story it’s more, alam mo ‘yung may value,” banggit niya sa dating interview namin.

Anyway, sa nasabing post ni Beauty ay ipinakita niya rin ang larawan ng mga dating may-ari ng mga aktwal na beads na suot niya.