Alas Pilipinas Men preparado sa world meet


Russell Cadayona — Pilipino Star Ngayon

September 4, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Patuloy ang maigting na preparasyon nina vete­rans Bryan Bagunas at Marck Espejo kasama ang 21-man pool ng Alas Pilipinas para sa darating na 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championship.

Sumalang ang national pool sa isang two-week trai­ning camp sa Morocco, Romania at Portugal sa ilalim ni Italian head coach Angiolino Frigoni.

Unang lalabanan ng mga Pinoy hitters ang Tunisia sa pagbubukas ng world championships sa Setyembre 12 sa SM Mall of Asia Arena.

Nagmula si Bagunas sa isang knee injury at kumpiyansang makakalaro sa world meet.

Sa Setyembre 16 ay haharapin ng Alas Men ang Egypt kasunod ang Iran sa Setyembre 18 para sa kanilang mga Pool A assignments.

“We are at the final sta­ges of preparations and we’re happy to say that we’re all set and ready to serve in this hosting,” sabi ni Ramon “Tats” Suzara, presidente ng Philippine National Volleyball Fede­ration (PNVF) at Asian Volleyball Confederation.