Franki, naging ex ni Sandro Marcos?! Si Enrique na raw ang jowa


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

September 8, 2025 | 12:00am

Pinag-uusapan ngayon sina Enrique Gil at former beauty queen/actress na si Franki Russell na spotted na magkasama sa Bohol.

Si Enrique ay galing sa matagal na relasyon kay Liza Soberano – walong taon bago naghiwalay noong 2022. Tahimik ang dating magkarelasyon tungkol sa kanilang breakup hanggang sa kinumpirma ni Liza ang pagtatapos ng kanilang real life relationship last month lang.

Si Franki naman ay common know­ledge na kay Diego Loyzaga noong 2022, pero hindi nagtagal ang relasyon.

Minsan din siyang na-link kay Cong. Sandro Marcos pero hindi nagtagal at hindi pinag-usapan dahil ang sabi ay secret ang nasabing relasyon.

Hanggang nagkaroon daw ng isang rich jowa ang Filipino-Kiwi na sumabak sa Miss Cosmo 2024 global tilt, kung saan nagtapos siya sa Top 21. Nasungkit niya roon ang Best National Costume award.

Pero nang tanungin ko ang manager ni Franki ay wala raw itong reaction and seenzoned lang sa kanyang message.

Well, walang masama kung sila na or kundi naman, wala ring masama.