September 9, 2025 | 12:00am
Apat na taon na ang nakalilipas nang unang magparetoke ng ilong si AZ Martinez. Ayon sa dating Pinoy Big Brother housemate ay nagkaroon siya ng insecurity noon dahil maganda ang ilong ng kanyang mga mahal sa buhay. “Kasi ‘yung mom ko at ‘yung kuya ko ang ganda ng ilong nila. Si kuya kasi nagmana sa mom ko. Hindi ko nakuha ‘yung ilong ng mom ko. Nakuha ko ‘yung ilong ng dad ko.
“Napu-frustrate ako growing up. Kasi lagi akong nakatingin sa kanila. Magkakambal daw si mommy at si kuya, ako sa’n daw? Na-insecure ako sa nose ko and ayun, naisip ko for my 18th birthday. I got it done,” pagtatapat ni AZ sa YouTube channel ni Karen Davila.
Nagkaroon pa ng impeksyon sa ilong ang dalaga noon sa unang operasyon. Kinailangang sumailalim ni AZ sa panibagong procedure upang maging maayos ang kondisyon ng kanyang ilong. “Right now like thinking about it. I wished I should have thought about it more. Kasi looking back, tinitingnan ko ‘yung photos ko, masasabi ko, parang it wasn’t that bad naman. Parang na kaya pag-contour-contour lang, pero happy ako sa nose ko. Actually, this is my second time kasi ‘yung first ko it got infected. This one I got it done last year again,” kwento ng aktres.
Mayroong payo si AZ para sa lahat nang nagnanais na magparetoke ng parte ng mukha.
Kailangang pakaisiping mabuti kung ano ang mga maidudulot nang pagpaparetoke sa isang tao. “Think about it talaga. Sometimes kasi nagre-regret ako. Sometimes napapaisip ako na sana hindi na lang. Ang gastos din, parang gano’n pero whatever makes you happy. Whatever makes you confident, go for it. Learn to also love yourself without those stuff. Kasi parang that’s one thing na I should have done. One of my regrets also is hindi ko masyado minahal sarili ko. Kaya I jumped into impulsive decisions na hindi naman necessary or hindi naman dapat sana na pwede naman sana gawan pa ng iba pang paraan, na pag-isipan pa,” makahulugang pagbabahagi ng dalaga.
Dingdong, nasa isip si Zia ‘pag nagho-host
Mapapanood na simula ngayong Linggo ang The Voice Kids. Magkahalong emosyon umano ang mararamdaman ng mga manonood ayon sa host ng programa na si Dingdong Dantes. “Parang mahirap turuan ang damdamin na maging pusong bato every time we let go of some, siyempre masakit. Every time we discover new talents, it’s so refreshing. It’s so inspiring and it’s always a mix of these emotions,” nakangiting pahayag ni Dingdong sa 24 Oras.
Nakikita umano ng aktor ang panganay na anak nila ni Marian Rivera na si Zia sa mga contestants ng naturang reality show. Kaedaran kasi ni Zia ang mga batang kalahok sa The Voice Kids. “’Yung daughter ko mahilig ding kumanta. So lahat ng napapanood ko sa kanila, sa bawat galaw nila naaalala ko talaga ‘yung sarili kong anak,” giit niya.
Isang malaking karangalan para kay Dingdong na muling mapagkatiwalaan na gawin ang programa.
Mahalaga para sa host na matunghayan ang bawat pangyayari sa isang reality competition. “Nakikita natin ‘yung mga iba’t ibang klaseng emosyon, napapanood natin ‘yung iba’t ibang klaseng kagalingan ng mga bata. It is always a treat being on the stage of The Voice Kids,” pagtatapos ng aktor. — Reports from JCC
