September 12, 2025 | 12:00am
Ang grupong The Hitmakers ay binubuo ng limang music icons and local music industry hitmakers na sina Rico J. Puno, Hajji Alejandro, Rey Valera, Marco Sison and Nonoy Zuñiga at binuo ng tinaguriang Total Performer na si Rico J. Puno nung 2021.
Nang pumanaw si Rico J. nung Oct. 30, 2018, nagpatuloy ang grupo with just the remaining members na sina Hajji, Rey, Marco at Nonoy.
Of course, in-demand pa rin ang apat individually bukod sa kanilang grupo.
Nung nakaraang April 21, 2025, ang original ‘Kilabot ng mga Kolehiyala’ na si Hajji ay pumanaw dahil sa sakit na kanser leaving Rey, Marco at Nonoy sa grupo.
“We’re now called The Survivors,” biro ni Rey Valera sa kanilang special guesting ni Marco sa 50th anniversary concert ng kanilang kasamahan na si Nonoy Zuñiga, ang Beyond Gold na ginanap sa Newport Performing Arts Theater sa Newport World Resorts last Sept. 5, 2025.
Ang mga green joke na nakatatak kay Rico J. ay minana ni Rey Valera kapag magkakasama ang grupo.
Nang mawala si Rico J., si Hajji ang gumagawa ng script ng grupo pero ngayong wala na rin ang ama ni Rachel Alejandro ay sila-silang tatlo na lamang ang nagtutulungan ng kanilang mga spiel and jokes in between their performances. “Sobrang nakaka-miss sina Rico J. at Hajji,” pag-amin ni Nonoy.
“Every time na nagpi-perform kaming tatlo, ang pakiramdam namin ay kasama pa rin namin sila,” susog naman ni Marco.
Ang bawat isa sa music legends ay malaki ang naiambag sa local music industry.
Donita at Felson, nakakapit sa diyos ang relasyon!
Nasa bansa ang mag-asawang Donita Rose at Felson Palad to visit their respective relatives laluna si Felson na ngayon lamang nakapagbakasyon sa loob ng siyam na taon magmula nang siya’y mamirmihan sa Los Angeles, California, USA kung saan niya nakilala ang misis na actress-host, executive chef at dating MTV-Asia VJ.
Nang malaman ng dating school ni Felson, ang De La Salle University – Dasmariñas in Cavite na magbabakasyon ang gospel singer ay agad silang bumuo ng reunion concert for him on Sept. 29, 2025 na gaganapin mismo sa nasabing school with about 15,000 students.
Bago nangibang-bansa si Felson ay sandali siyang nagturo ng Biology subject sa kanyang alma mater.
Pero bago ang Sept. 29, 2025 reunion and homecoming concert ni Felson, ang mag-asawang Felson at Donita will headline an intimate concert at the RJ Bistro of Dusit Thani Manila on Sept. 20, 2025 na pinamagatang Echoes of Elegance: Felson’s Musical Journey with Donita Rose. Tickets are priced at P1,500 each.
The couple met in Los Angeles, California, USA nung February 2022. Aminado si Felson na long-time crush nila ng kanyang mga kaibigan si Donita during her MTV-Asia days na unang pinakasalan si Eric Villarama.
Since sa cable lamang napapanood noon ang MTV Asia kung saan host si Donita, nakikinood pa umano sila noon sa kanilang kapitbahay na may cable.
Not in his wildest dreams na makikilalaang misis ngayon and eventually ay magiging misis niya.
“It was God’s plan na pagtagpuin kaming dalawa,” pahayag pa ni Felson, who, like Donita ay isang God-centered person.
Watch our exclusive interview with Donita Rose at Felson Palad sa aming TicTALK with Aster Amoyo on my YouTube channel ngayong Friday, Sept. 12 at 12:00 noon.
