Sing-lebrities matindi ang bakbakan, 48 ang kasali!


Jimpy Anarcon — Pilipino Star Ngayon

September 16, 2025 | 12:00am

Sasalang na sa matinding sing-kulitan ang mga lodi sa pagbabalik ng Videoke Kantawanan show ng mga sikat, Sing Galing: Sing-lebrity Edition!

Simula September 27, 48 nga na Sing-lebrities ang maglalaban-laban para sa kani-kanilang “bidaficiaries” at para tanghaling susunod na Ultimate Bida-oke Sing-lebrity.

At nagbabalik para maging Sing Masters ng Sing Galing: Sing-lebrity Edition ang comedienne-host at ang Biritera Beshie na si Donita Nose, kasama  ang Ultimate Entertainer na si K Brosas, at veteran singer-host, Mr. Private Eyes, Mr. Randy Santiago.

Para naman sa matindihang pilian ng mga magwawaging sikat, magbabalik ang mga minahal ng manonood na Jukebosses na huhusga sa mga pa-sing-lab na performances ng Sing-lebrities.

Pangungunahan ‘yan ng OPM legend at Sing-nior Hitmaker na si Rey Valera, kasama ang iba pang kilalang icons sa kantahan kabilang ang original Kilabot ng Kolehiyala at Chief Sing-patiko, Ariel Rivera, Diamond Soul Siren Nina, Soul Icon Ella May Saison, Vocal Powerhouse Mitoy Yonting, at ang first-ever Sing Galing grand champion na si Ethel Booba.

Kasama ring nagbabalik ang isa pang kikilatis sa pag-awit ng ating sing-lebrities, ang nag-iisa at walang kaparis na si Genie!

At sa ikalawang edisyon ng Sing Galing: Sing-lebrity Edition, 48 celebrities na galing sa iba’t ibang larangan ang magpapa-sing-kat para sa kani-kanilang “bidaficiaries” at para tanghaling susunod na Ultimate Bida-oke Sing-lebrity.

Kabilang na rito ang mga primera klaseng aktor at aktres tulad nina Romnick Sarmenta, Dominic Ochoa, Nikki Valdez, Meryll Soriano, Carmi Martin, Valerie Concepcion, Bobby Andrews, Jay Manalo, Luis Alandy, at Gio Alvarez.

Muli ring mapapanood ang mga artistang ating na-miss gaya nina Patricia Javier, Rey “PJ” Abellana, CJ Ramos, Leandro Baldemor, at Lloyd Samartino.

OA na kantawanan naman ang ihahatid ng mga komedyante at social media personalities tulad nina Arman Salon, Anton Diva, Chad Kinis, Via Antonio, Jeff Tam, Yobab, Divine Tetay, Keanna Reeves, Madam Kilay, at Rufa Mae Quinto.

Sasabak din ang news personalities tulad nina Maoui David, Laila Chikadora, at Gus Abelgas; ang young award-winning actors na sina Cedrick Juan, CJ Navato, at Noel Comia; ang mga showbiz royalty na sina Rikki Mae Davao, Andrew Muhlach, at Ryle Santiago; at ang mga trending young stars na sina Kych Minemoto at Mark Ian Garcia.

Kabilang pa sa mga magpapa-sing-lab sa videoke bilang Sing-lebrities ang former noontime show figures na sina Sexbomb Monic Icban, Sexbomb Mia Pangyarihan, Dawn Chang, Krissha Viaje; beauty queen Almira Teng at ang ating kauna-unahang Miss Grand International, CJ Opiaza; at sexy stars Maui Taylor, Nathalie Hart, Johannes Rissler, at Jay Gonzaga.

Kada-laban ng mga sing-lebrity ay isa ring chance para makatulong sa kani-kanilang  “Bida-ficiary” o beneficiary kaya’t hindi lamang galing ang kanilang ipapakita kundi pati na rin ang pagiging bida ng kanilang mga puso!

Mas magiging masaya at makulay naman ang bawat episode kasama ang Singtokers na sina Gab Pascual, Queenay, Ari G, Yanyan De Jesus, Muse Jazz, at Niko Badayos. Para sa online viewers, makakasama si Zendee at Niko Badayos na siyang maghahatid ng exclusive content sa Online Digiverse sa Sing Galing: Sing-lebrity Edition Puksaan.

Mapapanood ito tuwing Sabado, 7:00 PM; at Linggo, 8:00 PM simula September 27 at 28 sa TV5, Sari-Sari Channel, Buko Channel, at sa social media accounts ng TV 5 at Sing Galing para sa mga manonood online at sa buong mundo. — JA