September 17, 2025 | 12:00am
Isa si Claudine Barretto sa natuwa na wagi ang mga anak ng namayapang si Direk Wenn Deramas sa laban ng mga ito sa korte tungkol sa kanila mana.
Pinagtibay nga ng Court of Appeals (CA) 15th Division ang karapatan ng dalawang adoptive na anak ng yumaong direktor sa kanyang mga ari-arian sa Quezon City at mga pera sa bangko.
Sa pamamagitan ng Quezon City Regional Trial Court (RTC), nagpetisyon ang kapatid at mga pamangkin ni Direk Wenn para sa kanyang mga anak, sina Gabriel Michael at Raphaella, na magpa-DNA test, sa pag-asang ayusin ang kanilang hindi isyu sa pagmamay-ari sa “Bahay Toro” at “Bahay Balara” ng namayapang direktor.
Post ni Claudine: “Sa mga inaanak ko Gabby & Raffi Deramas ang lahat ng Pagod at pinag hirapan ng Tatay Wenn nyo ay para sa inyo at sa inyo lamang at para sa Future nyo yan walang pwedeng kumuha kundi kayo lang. Hindi KAILANGAN ANG DNA TEST pinili kayo ni Direk Wenn marami kaming hindi papayag na mawala ang para sa inyo na pinag hirapan literal blood sweat & tears ang pinag trabahuhan ng Daddy nyo para sa Future nyo. Mahal ko kayo nandito lang ako i love you Gabby & Raffi ”
