Frenchie Dy, tuloy ang pagte-therapy!


RATED A — Aster Amoyo — Pilipino Star Ngayon

September 17, 2025 | 12:00am

Seven months matapos ang kanyang ikatlong atake ng Bell’s Palsy nung nakaraang February 2025, ang tinaguriang Empress of Soul Diva na si Frenchie Dy ay nakatakdang magkaroon ng kanyang kauna-unahang major concert in her over two decades in the entertainment business.

Pinamagatang Here to Stay, ang nasabing concert ay nakatakdang ganapin sa Music Museum sa darating na Oct. 24, 2025 at 8 p.m. Ito’y pamamahalaan ni Alco Guerrero and produced by Grand Glorious Productions in cooperation with CLNjK Artist Management with an array of special guests na kinabibilangan nina Ice Seguerra, Erik Santos, Sheryn Regis, OJ Mariano (ng The Company), Bituin Escalante, Radha, Ala Kim, El Gamma Penumbra, among others.

Sa halip na panghinaan ng loob sa pabalik-balik niyang sakit, naniniwala si Frenchie na manunumbalik din sa dati ang kanyang natabinging mukha at tuluyan na siyang gagaling.

Ongoing pa rin ang kanyang therapy (thrice a week) at malaki na ang improvement ng kanyang mukha since then.

Mapapanood sa first major concert ni Frenchie ang kanyang 20-year journey magmula nang siya’y tanghaling grand winner nung 2004 ng reality singing competition ng ABS-CBN, ang Star In A Million Second Season, the same competition na pinagmulan nina Erik Santos, Sheryn Regis, Christian Bautista, OJ Mariano at iba pa.

Naghahanda si Frenchie ng 20 songs for her upcoming concert.

Lance Carr, may karibal Na K-Pop actor

Hindi kaya nakakaramdam ng selos ang ex-Pinoy Big Brother housemate at Viva contract artist na si Lance Justin Carr ngayong may bagong katambal ang kanyang ka-loveteam na si Aubrey Caraan na nagkataong isang K-Pop artist, actor, dancer at mixed martial arts champion na si Daewon Lee?

On the contrary, natutuwa pa si Lance sa kanyang ka-loveteam dahil bibihira ang pagkakataon na ibinigay sa kanya ni Boss Vic del Rosario ng Viva ang maka-duet ang K-Pop artist na si Daewon sa awiting Selfish Guy na si Daewon din mismo ang nag-compose.

Inamin ni Aubrey sa isang panayam na si Lance ang pinakamalapit na guy sa kanya ngayon at kumportable umano siyang makatrabaho ito. Silang dalawa ang lead stars ng Viva One series na Avenues of the Diamond at silang dalawa ang ginagawang loveteam ng kanilang home studio (Viva).

Para kay Aubrey, malaking karangalan para sa kanya na maka-collab ang K-Pop artist na si Daewon na co-manage ngayon ng Milagro Korea at Viva Artists Agency (VAA).

Aware si Daewon na may ka-loveteam si Aubrey sa katauhan ni Lance Justin Carr kaya willing umano siya na magkaroon sila ng love triangle sa isang serye o pelikula.

Ang awiting Selfish Guy was recorded as a duet nina Daewon at Aubrey at may part ng song na kinanta nila in Korean and in Tagalog for their Korean and Filipino fans.

Sa susunod na buwan (October) ay magtutungo ng South Korea si Aubrey para sa promo nila ni Daewon ng kantang Selfish Guy na personal na kinompose ng K-Pop artist base sa kanyang tunay na karanasan.

He was in a relationship dati sa kanyang ex-girfriend at naipit umano siya sa gitna para piliin either ang love o career at pinili umano niya ang huli making him a ‘selfish guy.’