February 22, 2025 | 12:00am
Pasabog ang power judges ng Pilipinas Got Talent season 7 na nagbabalik ngayong Marso!
Inanunsyo kagabi ng ABS-CBN ang bagong set ng judges na sina Freddie “FMG” Garcia, Donny Pangilinan, Eugene Domingo, at Kathryn Bernardo.
Sa pananaw ni Eugene, perfect ang grupo nilang kumilatis at isulong ang Filipino talent. “FMG is the authority. I add the fun. Kathryn is the heart. And Donny represents the young generation,” sabi niya.
Isang bagong hamon naman para kay Kathryn ang maging judge ng PGT. “This is another first for me, and I want to experience it. I think it’s a good breaker after doing Hello, Love, Again and before I start with a new project,” sabi niya.
Dream come true naman kay Donny ang maging bahagi ng PGT. “Pangarap namin ni Robi to do ‘PGT’ together. Dati pa as in MYX days. I’m so glad that they have put so much trust in me, and right now, I’m just gonna try to learn as much as I can,” sey niya.
Masaya naman si FMG sa pagbabalik ng PGT pati sa mga bago at eksplosibong acts ngayong season. “It feels so good because it’s been so long. I’m so excited kasi baka ngayon ko makita ‘yung talent na hinahanap ko,” pagbabahagi niya.
Samantala, magsasanib-pwersa naman ang well-loved hosts at power duo na sina Robi Domingo at Melai Cantiveros bilang bagong hosts ng PGT.
Bilang hosts ng 7th season ng show, pakikinggan nila ang mga nakakaantig na kwento ng contestants at mamamangha sa bagong at eksplosibong talents na matutunghayan nila kasama ang viewers.
Bukod sa pagbibigay ng saya sa mga manonood, may kapangyarihan din sila pumili ng kanilang Golden Buzzer act.
Samantala, makakasama rin nila sa show ang Star Magic artists na sina Lorraine Galvez at Wize Estabillo, ang napiling online hosts ng gap show na PGT Exclusives.
