Cassy at Mavy, lumabas ang tunay na ugali


TAKE IT TAKE IT! — Lolit Solis — Pilipino Star Ngayon

September 26, 2025 | 12:00am

Magbibida sina Cassy at Mavy Legaspi kasama ang mga magulang na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi sa Hating Kapatid. Malapit nang mapanood sa GMA ang naturang Kapuso Afternoon Prime series.

Para kay Carmina ay hindi naging madali ang bagong proyekto kahit na buong pamilya silang nagkatrabaho ngayon. “Kasi akala n’yo nga since we are a family, parang automatic pamilya kami dito. Meron ngang panlilinlang na nangyari kaya kahit ‘yung role ko ay nalito at naguluhan nang bonggang-bongga. First time namin na iiyak as a family. ‘Yon talaga sabi ko nga opposite eh kasi in real life magaan lang, tawanan lang, kulitan. Ito ‘yung talagang puro mga iyakan, confrontations which is going to be challenging for all of us,” nakangiting pahayag ni Carmina sa 24 Oras.

Matagal na raw dapat nasimulan ang bagong GMA series pero hindi kaagad nagkatugma-tugma ang schedule ng pamilya Legaspi.

“It took like almost a year or so mabuo itong Hating Kapatid. Ako dapat nasa Sanggang Dikit, they pulled me out dahil kailangan daw talaga ako nandito. Kasi they were playing with the idea na what if tanggalin natin ang isang Legaspi family, lagyan natin ng isa. Then they figured out na parang may mali ata,” kwento naman ni Zoren.

Nakaramdam umano ng pressure si Cassy na makatrabaho ang mga magulang. Ayon sa dalaga ay ginagabayan silang magkapatid nina Carmina at Zoren sa bagong proyekto.

“They guide naman, but the rest ikaw na ang bahala. So that’s what I love. But ‘yon nga, I feel the pressure because hello? This package, that’s crazy,” paglalahad ni Cassy.

Ayon naman kay Mavy ay masasaksihan ngayon ng mga manonood ang kanilang tunay na ugali sa bagong serye.

“I really take pride and I take this work very seriously because every time I’m that character, every time I’m Tyrone, I always make sure that I get to send a message to viewers na ganoon talaga si Mavy Legaspi sa totoong buhay,” pagbabahagi ni Mavy.

JM, na-starstruck kay Carla

Mapapanood na ngayon sa piling mga sinehan ang Selda Tres na pinagbibidahan nina Cesar Montano, Carla Abellana at JM de Guzman. Bahagi ang naturang proyekto ng Sinag Maynila Film Festival 2025 na ginaganap ngayon. Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakatrabaho ni JM sina Cesar at Carla.

“Sobra po akong kinilig no’ng narinig ko na kasama sina kuya Buboy. Talagang idol ko po si Kuya Buboy. And kay Ms. Carla, na-starstruck talaga ako no’ng una ko siyang nakita. Medyo nahirapan din ako nang slight. Pero sobrang blessed ho talaga ako na naging part ako ng movie. Sobrang dami kong natutunan ‘yung work ethic nila, sobrang professional,” paglalahad ni JM.

Malapit umano sa puso ng aktor ang kanyang karakter na ginampanan sa pelikula.

“I play the role of Julius, isa po siyang messenger sa isang law firm. Kapatid ako ni kuya Buboy pero magkaiba kami ng nanay. Naakusahan siya ng mali sa story at nakulong. Nakilala niya ‘yung mga tao sa loob ng kulungan. May nangyari rin sa past ko na nakulong ako sa isang controlled environment and hindi rin ‘yon naging madali sa buhay ko like Julius,” makahulugang pahayag ng aktor. — Reports from JCC